TIKTIK

14.5K 312 31
                                    

"t i k t i k"

Masyadong mabilis ang mga pangyayari...

Minsan talaga may mga biglaang trip ang barkada na nauuwi sa...

Bago kami naghiwa-hiwalay ay napagkasunduan na sa bahay namin matutulog ang buong tropa nang gabing iyon. Walang ibang plano kundi samahan lang nila ako para hindi na ako matakot. Oo, gusto rin nila makita 'yung aswang na sinasabi ko. Mahirap talaga maniwala sa hindi mismo nakita ng sariling mga mata mo.

Sina Marcos at Leubert sure na sa amin matutulog. Pero sina Alex at Lourdes ay magte-text na lang daw. Hindi kasi sila sigurado kung papayagan sila.

Kasabay ko nang umuwi sa bahay sina Marcos at Leubert. Nag-text na lang sila sa kanila na may kailangan lang tapusin na project at sa bahay namin mag-stay. Bukas nang maaga na lang daw sila uuwi. Pinayagan naman sila.

Bago pa ko magluto tinext ko na sina Alex at Lourdes kung tuloy sila. Nakaluto na kami ni nanay ng hapunan ni isang reply sa kanila wala. Baka hindi pinayagan. Ewan ko ba sa dalawa na 'yun. Manong mag-reply na hindi sila makakapunta.

Sinara at kinandado ko na 'yung pinto sa kusina. Pati mga bintana. Bakit ang aga naman daw tanong ni nanay. Dinahilan ko na lang na malamig ang simoy ng hangin at giniginaw ako. Hindi na nagsalita si nanay alam niya na ginawin naman talaga ako. Naghanda na lang si nanay ng pagkain sa mesa.

Nasa sala sina Leubert at Andrei. Tahimik na pinapanood ni Andrei si Leubert sa dino-drwaing nito. Pero bakit wala si Marcos?

Lumabas ako nakita ko si Marcos nakatayo sa gilid ng bahay namin at sumisilip sa may kapitbahay. Hinatak ko 'yung braso niya. Nagulat pa siya. Agad kong inakay papasok sa bahay.

"Masyado kang halatain. Pano kung makita ka nung Arthur?"

"Tina-try ko lang malay mo matyempuhan ko. Dalawa na tayong nakakita ng aswang."

"Huwag kang maingay baka marinig ka ni nanay."

Lumapit sa'kin si Andrei dala 'yung papel.

"Ate, astig ng drawing ni kuya Leubert o!"

Nakita ko yung drawing---kamukha ng nakita ko kagabi. Tiningnan ko si Leubert. Ngumiti lang siya sa'kin.

"Ang pangit naman niyan! Baka mapanaginipan mo 'yan!"

"Ate aswang 'yan, hindi naman yan totoo."

"Oo nga wala naman talagang aswang di ba, Andrei?"

Umapir pa kay Adrei itong si Marcos.

"Alam ko namang hindi ka naniwala sa kinuwento ko." Sabi ko sa isip ko.

Bagsik ng Galit ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon