"Bawas-bawasan niyo ang pagpupuyat. Tapusin niyo na 'yang project niyo para makatulog na kayo." Bumalik sa kuwarto si nanay.

"Nakakalurky dito!"

Late ko na napansin 'yung maliit na body bag na suot ni Alex.

"Ano naman laman niyang bag mo?"

"Asin. As in salt, Mars."

Natawa ako.

"Para saan?"

"Ano ka ba. Panlaban sa aswang. Tinanong ko pa tita ko bago ako umalis ng bahay kung ano mabisang pangontra sa aswang. Sabi niya asin. Kaya dumakot ako ng asin bago umalis."

Nakita kong ngumiti si Echo kay Alex. Parang sinasabi niya na tama si Alex.

Nasa labas na kaming lahat...

Kaming tatlo nina Marcos at Alex ang nakapuwesto sa may bakod. Hindi yata kumukurap si Marcos---nakatingin sa puno. Si Alex mas madalas pang nakasubsob sa likod ko kesa magmasid. Si Leubert mag-isa lang dun sa may gilid ng bahay namin. Excited makakita ng aswang. Nasa traysikel naman sina Lourdes at Echo.

Ano ba 'yan nag-ring ang celphone ni Leubert. Todo yata ang volume.

"Leubert patayin mo 'yan!"

Maya-maya biglang may pumotpot sa tapat namin sabay sigaw ng "balut!. Kainis 'tong balot na 'to kinabahan ako. Nakita ko 'yung mama napalingon pa. Si Alex napamura sa sobrang gulat. Pigil na pigil ang tawa ni Marcos. Pati si Leubert---tiyak na nabigla kaya natawa din.

"Nangangawit na paa ko. Ang lamok pa. Wala pa bang lumalabas?" Reklamo ni Alex.

"Anong oras na ba, Bam?"

"Di ko alam."

"11:35 na!" Sabi ni Leubert.

"Sana hindi masayang 'tong effort natin, Mars. Excited pa naman ako."

"Excited? Duwakang ka nga e."

"Excited akong makapanood ng aswang na nagse-sex sa taas ng puno."

Natawa ko sa banat na 'yun ni Alex. Siniko ni Marcos si Alex.

"Sana nanood ka na lang ng bold movies." Sabi ni Marcos.

"Mas trip kong panoorin ang nagse-sex na aswang sa taas ng puno. Ang unique kaya di ba Mars?" Nabatukan ko si Alex. Tanungin daw ba ko nang ganun. Pero natawa talaga ko sa mga hirit niya.

Bagsik ng Galit ng AswangWhere stories live. Discover now