Prologue

6 0 0
                                        

Naglalakad ako ngayon sa masukal na parte dito sa tabi ng eskwelahan namin.

Dinura ko ang bubblegum na kanina ko pa nginunguya.

"Hoy!"

Tiningnan ko kung sino ang tinatawag niya, at ako pala yun.

"Bastos kang babae ka, dyan kami natutulog at basta basta mo nalang idudura yang kinain mo?!"

Tinitigan ko sya, like for 5 seconds. Tumitig rin naman siya.

Naks, lakas nito ah. Sabi ko sa isip-isip ko.

"Bakit, alam ko ba? May pangalan ba dito ha? May pirma mo ba?" Pilosopo kong sagot sakaniya. Badtrip ako ngayong umaga, kinuha ni kuya yung hotdog ko, itlog lang tuloy ulam ko.

"Hoy! Ang bait mo ano? Palibhasa mayaman ka kaya minamaliit moko! Sino nga ba naman ako para tratuhin ng maayos ng sinuman! Pero--hoy! HOY!!! NAKIKINIG KA BA?!" Sinuot ko ang headphones ko at naglakad na, pero hindi parin siya natinag at sinundan ako.

Napaka-daldal ke-lalaking tao. Wala naman akong ginagawang masama sakaniya.

"..'Pag ako yumaman humanda kang babae ka! Ipapalapa kita sa mga aalagaan kong tigre! HOY--!!!! Pakinggan mo ako! Hindi ka man lang humingi ng pasensya!" Ang ingay, sakit na sa tenga. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya,"Pasensiya." Tumalikod na ako at naglakad na

Tiningnan ko ang aking relos. Hala. Mag-8 A.M na. Male-late na ako.

Tumalikod ako saglit. Nagulat pa ako dahil ang sama ng tingin niya sakin. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Kasalanan niya kung hindi man ako papasukin ng teacher namin sa first subject ngayong miyerkules, sungit pa naman non. Aaa, kabanas.

~

"Oh! Gielyn, naku tuwing Miyerkules na lang ay late ka. Hindi ka pa ba nadala nung mga nakakaraan? Ay naku, 'wag mong isipin na kinagagalitan kita. Ayaw ko lang na hindi ka nakakapasok sa klase dahil ipinababantay ka rin sa akin ng tatay mo." Mahabang sabi ni kuya guard-- o tito Gorku. Kaibigan siya ng tatay ko, classmates since elementary. Kayumanggi ang kulay ng balat, matangkad (super), at mabait.

"May lalaki po kasing humarang sa may gilid do'n sa may kanto." Wala na akong time para makipag kwentuhan, lagot na ako talaga. "Sige po! Pasok na po ako, baka mapapasok pa ako hehe!" Nagmamadali kong sabi, at saka tumakbo na pakanan at umakyat sa ikatlong palapag ng building sa aming school.

Hinihingal na ako, ang init ng panahon. Malapit na ako sa pintuan ng room namin, nang lumabas ang guro namin sa ESP na si Ma'am Invierno.

Wala na paktay na naman ako. 'Di na ko papapasukin nito.

Nakita ko siyang papunta sa may trashbin sa gilid ng room namin sa tabi ng hagdan, magkabila kasi ng dulo ng building ay may hagdan. Dahan-dahan ngunit mabilis ang lakad na pumunta ako sa pintuan ng room namin. Nang bubuksan ko na ang pinto ay lumangitngit naman ito na nag-likha ng matinis at masakit sa tengang tunog upang mapalingon ang aking guro.

Lumingon din ako sakaniya na para akong natatae na nakangiti. Biglang sumama ang hilatsa ng kanyang muka habang kagat-kagat pa ang buto ng pakwan na tila'y hindi niya mabuksan. Medyo natawa ako sa aking isip dahil mukha siyang bulldog.
















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Trash BinStories to obsess over. Discover now