Mga admirers na hindi ko pinansin. Dahil ang hinihintay ko ay si Ward. Si Ward na nagpaalam pa na manliligaw. How gentlemanly! Nakakakilig! Ibig sabihin, he respects me!

            So pumasok na ako sa classroom. English. Naupo na ako sa seat ko. Nagpaganda. Waiting. At may vacant seat sa tabi ko. Para kay Ward.

            Umupo si Karen.

            Pero pinandilatan ko siya.

            Siyempre, hindi iyon nahalata ni Karen. Napakunot-noo pa siya.

            “Bestie, umalis ka diyan. That’s for Ward,” bulong ko sa kanya.

            Saka lang niya nagets. “Ay, oo nga pala. I forgot.” Saka siya dumiretso na sa likod kung saan may vacant seat pa. Cooperative naman ang bestie ko.

            Uupo rin sana si Ramil doon pero hinila na siya ni Karen. “Bakit?” tanong ni Ramil? Kokopya ako ng assignment kay Welcome.”

            “Sa akin ka na lang kumopya,” sabi naman ni Karen.

            “Gusto mo akong bumagsak?” nang-aasar na sagot ni Ramil. Pero hinila na siya ni Karen. Binulungan. Siguro, sinabi na ni Karen ang tungkol sa text ni Ward. Kaya napatango na lang si Ramil, sabay bigay ng O.K. sign.

            At pumasok na nga si Ward. At umupo siya sa tabi ko.

            “Hi, Ward.”

            “Hi, Welcome.”

            Hinintay kong chikahin niya ako. Sige na nga, ligawan.

Nakangiting tumingin sa akin si Ward. At ako naman, nagpapungay ng tingin, pero yumuko para hindi naman halata.

Ibinuka ni Ward ang bibig niya, parang may sasabihin. Ako naman, naghintay.

Pero noon na rin pumasok si Miss Velasco, ang teacher namin sa English. At nagsimula na siyang magturo. Kaya wala hindi na nagkaroon ng chance si Ward to court…or even talk to me.

            Kainez!

            Di bale, sa recess, siguro kakausapin na niya ako. Liligawan.

            Pero noong recess, biglang nawala si Ward. Kaya kami-kami na lang nina Karen at Ramil ang kumain.

            “O, what happened?” Si Karen yun na sobrang excited.

            “Wala. Si Miss Velasco kasi e, ang daldal.” O, di ba, sinisi ko pa raw ang teacher?

            “Baka humahanap lang ng tiyempo,” si Ramil naman yon na pinapalakas ang loob ko.

            “Why don’t I retouch your make up para lalo siyang ma-inspire.”

            “Wait, wait! Baka naman ayaw niya kay Welcome pag naka-make up. Remember, nakilala niya si Welcome nang walang make-up.”

            “Oo nga, no? May point si Ramil. Tanggalin na lang natin ang make up ko. I want to be a simple pretty girl.”

            So sugod kami sa washroom para maghilamos.

            “How do I look?” tanong ko kay Ramil na naghihintay sa labas ng washroom.

            “You look ordinary,” sagot ni Karen.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon