Friendzone,isang
salitang wag mong
maliitin dahil sa
kakayahan nitong
makasakit ng damdamin
Ito ay isang tula
para sa isang taong
alam kong walang chansa
pero ang puso'y patuloy ang pagdikta na
Hindi wag kang sumuko
malay mo mahal ka nya
Pero alam ko naman
na isa ako sayong mga
Lang katawanan Lang
taga "ayieee" Lang
hanggang dito nalang
Alam ko na
kahit magsanib ang
Ompong at Yolanda
iba parin ang magdidikta
Tulad ng Kaibigan mo yan
tanga! wag mong patulan!!
ano ka sinusuhulan?!!
Dahil kahit pagbalikbaliktarin
ko ang mundo ang mahal
mo'y di ako
Alam kong tinatahak ko ang isang daan na walang kasiguraduhan at sa
huli ako ang talunan
Di naman ako humihingi ng kapalit sapat ng makita ko ang nga ngiti mo......ok na ko
Kung masaya ka
edi suportang kaibigan
nalang ang ibibigay ko
mahal mo e edi suport ako
Alam ko rin naman na
hanggang dito nalang
talaga kaibigan,
kakwentuhan katawanan
Di kita pwedeng akbayan o sabihing
akin kalang dahil kaibigan....kaibigan lang
