(1) Back to you

20 3 0
                                    



8:09 pm

Halos dalawang buwan ang nakalipas ng makaalis sila sa Pilipinas, halos isang linggo palang din ng magsimula ang kanyang gamutan upang maibalik ang kanyang alaala. Ngunit, wala paring alaala na bumabalik sa kanyang isipan.

Pinipilit niyang aalahanin ang mga pangyayari ngunit lagi lamang sumasakit ang kanyang ulo kapag ito ay kanyang ginagawa.

Gusto niyang makaalala na kaagad upang makabalik na sa Pilipinas. Upang makabalik na sa kanyang minamahal na si Rhyss.

Masayang kumakain ang magkasintahan sa labas. Ngayong araw kasi ang kanilang monthsary kaya naisipan nilang kumain sa labas upang ipag diwang ang kanilang limang buwang pagmamahalan.

"Love, akalain mo yun five months na pala tayo.." nakangiting sabi ng binata. Hindi din maiwasan ng dalaga na mapangiti dahil kahit sila ay labing apat pa lamang ay seryoso na sila sa isa't isa.

"Ako din, I didn't expect na at this age ay mag kaka boyfriend ako at tatagal ng limang buwan. Kadalasan kasi sa gantong age pag may boyfriend, days.. weeks.. at hanggang 4 months lang pero tayo umabot tayo ng limang buwan." Natatawang sabi ng dalaga sa kanyang kasintahan.

Hinawakan ng lalaki ang kamay ng kasintahan at nakangiting sinabi, "huwag kang mag- alala, ibahin mo ako sa kanila. Ako, hindi kita iiwan. Pangako."

- - -

"Ang duga mo naman sinabi ko na kasing huwag na tayo mag pustahan sa basketball na iyan at matatalo lang ako eh!" Naiiritang sabi ng dalaga.

Nagpipigil sa tawa ang kanyang kasintahan dahil baka mamaya mas lalong mag tampo ang dalaga sa kanya.

Hinawakan na ng binata ang kamay ng kanyang kasintahan at naglakad na sila patungo sa bilihan ng ice cream.

"Huwag kang magalala kahit naman na talo ka love mahal parin kita." Natatawang sabi ng binata.

- - -
Umaasa si Seraphine na may kaugnay ang napapanaginipan niya sa kanyang alaala dahil
Madalas na nanaginip si Seraphine tungkol sa isang batang lalaki at batang babae. Gusto niya sana isipin na siya ang babaeng napapanaginipan niya ngunit iniisip niya kung sino naman ang lalaki sa kanyang panaginip. Hindi kasi niya malinaw na nakikita ang itsura ng lalaki sa kanyang panaginip.

Umaasa siya na si Rhyss ang nasa panaginip niya dahil nung panahon na sila ay magkasama nararamdaman niyang parang matagal niya ng kilala si Rhyss.

"Love.." tawag ng dalaga sa kanyang kasintahan dahan-dahan namang tumingin ang binata sa dalaga.

"Promise babalik ako.. pangako.." naluluhang sabi ng dalaga sa binata.

Agad naman niyakap ng binata ang dalaga at sabay sabing, "pangako yan."

Dahang dahan silang kumawala sa yakap at dahan dahang hinaplos ng binata ang pisnge ng kanyang kasintahan.

"Ich liebe dich-

- - -

Agad naimulat ni Seraphine ang kanyang mata at bumangon.

"Aish! Sasabihin na yung pangalan eh!" Naiinis na sabi niya sabay bato ng kanyang unan sa sahig.

Babalik na sana siya sa pagtulog ng biglang may nagbukas ng kanyang pintuan sa kwarto.

"Darling its already 9:12 in the morning! May schedule ka pa mamaya sa hospital!" Bungad ng ama sa kanya. Mas lalo naman nainis si Seraphine.

"Err!" Sabi niya na lamang at nag taklob ng kumot upang matulog muli.

Makakabalik na sana siya sa mapayapang mundo ng biglang..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back to youWhere stories live. Discover now