“Iba ka talaga Judas Ildefonso.” Napapailing na lamang na saad nito.

“We’re the same Ildefonso,” aniya habang nasa labi pa rin ang nakakalokong ngiti. Humakbang siya palapit sa counter na nasa sulok ng kaniyang opisina at binuksan ang alak na naroon. Nagsalin siya sa kaniyang rock glass. “You want?” alok niya sa pinsan.

“No thanks.” Pagtanggi nito. “So, this is not the first time I saw her. Don’t tell me—”

“Come on! She’s nothing. She’s just one of my flings, Uran.” Mabilis na turan niya dahilan upang hindi na matapos ni Uran ang iba pa nitong nais sabihin sa kaniya. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at sumimsim sa kaniyang alak.

“I thought one night stand is enough for you and—”

“Tss. Let’s not talk about it right now, bro. Hindi naman importante ’yon.” Muli niyang pinigilan sa pagsasalita ang pinsan. “So, what brought you here by the way?” sa halip ay pag-iiba niya sa kanilang usapan.

“I have meeting with you Mr. CEO.”

Mabilis namang itinaas ni Judas ang kaniyang kamay upang silipin ang oras sa suot niyang wristwacth. “It’s eleven in the morning. Mamayang hapon pa ang meeting natin.” Kunot ang noo na saad niya.

“Exactly. But may lakad kasi ako mamayang hapon. I don’t think if I can make it kaya pinuntahan na kita rito.” Ani nito. “Is it okay with you kung sa susunod nalang natin pag-usapan ang tungkol sa proposal ko?” tanong nito.

“Sure! No problem. May pupuntahan din naman akong importante mamaya. Maybe we can talk about it next time,” sabi niya. “But how about tonight, Hang Out, are you free?”

“Pass muna ako, bro. Naglalambing si mama na mag-minner kami sa labas. Alam mo namang bawal humindi sa kaniya.”

“A mama’s boy, huh!” pabirong sabi niya.

“Loko! May pogi at macho bang mama’s boy?”

“Yeah! You.”

Napailing na lamang ang huli. “Well, I’m gonna go by the way. Dumaan lang talaga ako rito para ipaalam sa ’yo ang tungkol doon.”

“Okay! Send my regards to tita and tito.” Saad niya bago tuluyang nakaalis sa kaniyang opisina si Uran.

MALAKAS na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa masarap na tulog ni Marya. Inaantok man ay pilit siyang kumilos sa kaniyang higaan upang abutin ang alarm clock na nasa ibabaw ng kaniyang bedside table. Pinatay niya ang isturbong aparato ’tsaka muling nagtalukbong ng kaniyang kumot.

“Ugh!” Inis na inalis niya ang pagkakatakip ng kumot sa kaniyang mukha nang tumunog naman ang kaniyang cellphone. Kinapa niya iyon sa tabi niya. Hindi na nagabala ang dalaga na tingnan ang screen ng kaniyang cellphone at basta niya na lamang sinagot ang tawag sa kaniya.

Marya, where are you?

Boses ng kaniyang kaibigan ang narinig niya sa kabilang libya.

“Apartment. Still sleepy.” Inaantok namang sagot niya.

What? gulat na saad nang babae. Jesus! It’s almost twelve in the afternoon, Marya! Kanina pa ako naghihintay sa ’yo.

Mabilis na nailayo ng dalaga sa tapat ng kaniyang tainga ang aparato dahil sa galit na boses ng kaniyang kaibigan.

“You’re loud, Handa,” naiinis na sabi niya rito. Kung nasa harapan niya lamang ito ngayon paniguradong pinanlakihan niya na naman ito ng mga mata.

Marya naman! I’ve been waiting for you for almost an hour. Ang usapan natin kahapon, before twelve magkikita tayo sa coffee shop. But look at you, tanghaling tapat na pero ang sarap pa rin ng hilata mo diyan, samantalang ako heto at namumuti na ang mga mata at buhok ko kakahintay sa ’yo. Alburuto pa nitong muli.

LOVING THE PLAYBOY BILLIONAIREWhere stories live. Discover now