Ang Pagmamahal Ko Sa'yo

24 0 0
                                        


by: tectac13


Mahal kita, higit pa sa buhay ko,

Pero ngayon ako ay sinaktan mo.

'Di ko lubos maisip kung bakit nagawa mo ito,

Ang sakit-sakit, nagdurugo ang puso ko.


Ibinigay ko ang lahat-lahat ng akin,

Binili ko ang gusto mong CHOCOLANAY na kakanin.

Ito ang paborito mo'ng kakanin,

Kaya kapag 'di ko ito nabili ako'y sasakalin.


Tinitiis ko ito dahil ikaw ay mahal ko,

Pero bakit ako'y iniwan mo?

Mawala lang ang lahat-lahat sa akin,

'Wag lang ang taong nagpapasaya sa akin.


Pero ngayon ikaw ay wala na talaga,

Wala na ako'ng magagawa kahit na habulin pa kita.

Kahit alam mong mahal na mahal kita,

Paalam na dahil papalayain na kita.


Kahit ito'y masakit sa puso ko,

Tatanggapin ko para sa'yo.

TAMS, sana madama mo,

Ang pagmamahal ko sa'yo.

"text/MYPOEMS/javascript"Histórias para pegar e não largar. Descubra agora