KAPITBAHAY

28.8K 430 46
                                    

"k a p i t b a h a y"

Hindi ako naniniwala sa ASWANG. Oo natatakot ako sa mga nakikita kong itsura nila sa pictures at mga palabas pero itinatak ko na sa utak ko na kathang-isip lang ang ganyang nilalang.

Hanggang isang gabi na ang inakala kong gawa lang ng mga malilikot na imahinasyon ay nakita mismo ng dalawa kong mata. Ang ASWANG!

Nasaksihan ko kung paanong magpalit ng anyo ang isang ASWANG!

Ang mag-asawa na bagong lipat naming KAPITBAHAY ay mga ASWANG...

Tapos na ang klase. Pero naiwan kami ng barkada ko sa classroom namin. Dito sa St. Agnes High School. Tunog private pero public school. Napansin kasi ng barkada na maghapon akong tahimik. Nanibago sila sa akin. Kaya eto nakapalibot sila sa akin ngayon at ini-interrogate ako.

Sina Lourdes at Alex nakaupo sa table na nasa harap ko. Mga seryosong pinipilit ako na sabihin kung ano ang problema ko. Nakaupo sa kanan ko si Marcos at sa kaliwa ko naman si Leubert. Mga tahimik na naghihintay sa sasabihin ko. Mula 1st year high school ay tropa ko na sila at maipagmamalaki ko na solid talaga ang samahan at ang pagkakaibigan namin.

"Josa, ano na girl? Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit natutulala ka today?" Sabi ni Lourdes sabay abot ng panyo.

Ganyan 'yang si Lourdes. Maganda na, thoughtful at sweet pa. Alam niya kasi na medyo ma-drama ang buhay ko. Josa ang tawag nila sakin kasi bagay daw sa pangalan kong Jocelyn at sa itsura ko.

"Mars, sige na sabihin mo na. Anik ba? We can help you naman---ambag-ambag kami." Banat ni Alex. May kasama pang hampas ng violet niyang pamaypay. Mas babae pa samin ni Lourdes 'yan. Ka-level siya ni Lourdes pagdating sa ka-sweetan. Walang problema 'yan pagdating sa pera. Parehong nagtatrabaho abroad ang parents niya. Lahat kaya niyang i-share sa'yo kahit toothbrush niya. Maingay pero mas sumasaya ang barkada dahil sa kanya.

Si Marcos hinawakan ang kamay ko. Nakatitig lang sa mga mata ko pero sa pagpisil niya sa kamay ko ay parang kinukumbinsi ako na magsabi na ng problema. Kinilig ako dun. Kami ni Marcos mula 3rd year high school pa. Hindi kaguwapuhan pero gentleman, matalino at mabait. Medyo kulot na maigsi ang buhok. Top 3 sa klase at pinipilit na maging valedictorian. Hindi siya katulad ng ibang matalino na pa-Henyo ang porma. Simple lang si Marcos at 'yun pa ang isa sa pinakanagustuhan ko sa kanya.

Si Leubert kahit hindi ko tingnan alam kong may earphone sa isang tenga 'yan pero laging concern sa barakada 'yan di lang halata. May time na tahimik at may time na madaldal. Cute at maraming nagkakagusto. May dimples na sa pisngi, may dimple pa sa baba. May gusto nga sa kanya sina Lourdes at Alex e. Moody pero may talent. Ang husay mag-sketch. Kaya niyang i-drawing ang mukha mo.

"Baka hindi kayo maniwala." Sabi ko habang isa-isa ko silang tinignan sa kanilang mga mata.

Napatalon mula sa pagkakaupo sa table si Alex.

Bagsik ng Galit ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon