At si kuya, ako ang sinisisi. “Ikaw kasi!”

            Ano ang kasalanan ko? Umuwi lang akong nakangiti?

* * * * *

            Pero siyempre, kailangan kong ipacify ang nanay ko. Kailangan kong sabihing wala naman akong boyfriend (na totoo naman), na wala akong manliligaw (na totoo rin naman, pero tingin ko, malapit nang hindi magkatotoo hihihi), na tatapusin ko ang pag-aaral ko. Na gagradweyt ako ng college. Na magiging flight attendant ako. Na itu-tour ko siya sa buong mundo. (Totoo lahat yan!)

            “Hindi ko naman habol yung i-tour mo ko no?” sumisiguk-sigok na sagot ng nanay ko. “Ang gusto ko lang, makatapos kayo. Para maganda buhay n’yo. Para huwag kayong matulad sa amin ng tatay n’yo.”

            Alam ko naman yon. Lahat naman ng magulang gano’n. Gustong mapabuti ang mga anak.

            “Huwag mo akong itour. Ibili mo na lang ako ng palengke.”

            Yan si Mader. Minsan joker.

Hindi ko naman talaga bibiguin ang mga pangako ko kay Mader. Tutuparin ko ang pangako kong makatapos.

            Pero may sumpaan din naman kami nina Karen at Ramil. Na magkaka-boyfriend sa high school. Paano na yon?

            Di bale, ililihim ko na lang kay Mader. Lalo na kay Kuya na tsismoso!

Yay! Ngayon pa lang nagkakasala na ako. Naglilihim na ako. Ni hindi pa nga nanliligaw si Ward.

            Nakampante naman si Nanay, si Nova at si Kuya na wala nga akong boyfriend o manliligaw. Kaya natahimik na ang familia Dalumpit sa Cotabato St., Bago Bantay, Quezon City.

            Pero ako hindi natahimik. Alimpihit ako. Parang pusang hindi mapaanak. Parang pusang may hinahanap. Pero hindi ako makangiyaw siyempre.

            Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Naghihintay ng text o tawag ni Ward.

            7pm. Wala pa rin.

            Nood-nood lang kami ng 24 Oras.

            8pm. NIÑO na. Nagpapaiyak na si Nino. Ang cute talaga ni Miguel Tan-Felix!

Wala pa ring text o tawag. Panay ang tingin ko sa cellphone ko.

            MY DESTINY na! Wala pa rin. 

            Buti na lang nakakakilig sina Tom Rodrigues at Carla Abellana. Kahit paano, nalibang ako. Actually, iniimadyin ko na ako si Carla at si Ward ay si Tom. Kakilig!!!

            ANG DALAWANG MRS REAL na! Wala pa rin. Panay ang tingin ko sa cellphone ko. Buti na lang hindi napapansin ni Mader na tutok talaga sa eksenang walang hanggang pagsampal ni Maricel kay Dingdong.

            “23!”

            “Ano’ng 23?” takang tanong ko.

            “23 beses sinampal ni Maricel si Dingdong. Grabe! Ang Galing! Ngayon lang nagkaroon ng ganyang eksena sa tv ah!” Yan si Nanay, adik sa mga teleserye sa TV.

            “Ano’ng araw ngayon?” tanong ni nanay.

            “28 ho,” sagot ko naman.

            “23/28,” biglang sambulat ni Mader na parang natuklasan na ang mystery of the universe. Saka sabay takbo palabas ng bahay.

            “Nay, saan kayo pupunta?”

            “Tatayaan ko yan sa huweteng. 23/28. Siguradong lalabas yan.”

            Yan si Nanay, adik sa TV. Adik sa huweteng. Simula nang manalo ang Daddy ni Karen sa lotto, nainspire na siya. Umasang kami rin ay mananalo sa huweteng o sa lotto. So far, wala. Olats.

* * * * *

            Tapos na ang mga teleserye. Tahimik na ang mundo. Natutulog na si Nanay at si Nova. Si kuya Bal, nasa labas, naggigitara. Ako gising pa rin. Naghihintay ng text o tawag ni Ward.

            Tatawag ba yon? Magte-text? Bakit niya kinuha ang number kay Karen ko kung hindi naman?

            Tinitigan ko ang cellphone ko. Willing it to beep or ring.

            At nagtoot toot nga siya!

            Nagtext si Ward!

            Napatalon ako sa kama. Naapakan ko ang urinola (sorry, wala pong ihi yon. Lagayan lang namin ng anik-anik sa kuwarto). Nag-ingay. Nagising si Nanay.

            “Ano ba yon?”

            “Wala ho. Nagtext lang ho si Karen,” pagsisinungaling ko.

            Pero hindi ko pala kailangang magsinungaling. Dahil totoong si Karen ang nagtext.

                        Karen: NAGTXT NA BA SI WARD?

                        Ako: HINDI PA NGA E. KANINA PA NGA AKO NAGHIHINTAY.

Karen: WAIT MO LANG. MAGTE-TEXT YUN. OR ELSE, BAKIT NIYA HININGI # MO?

So, wait ulit ako. Mag-aalas-onse na! Bakit hindi pa siya nagtetext tumatawag?

Toot toot! Toot toot!

“Patayin mo yan, Carmela, kung hindi itatapon ko yan sa kanal. Maaga pa akong gigising bukas.”

“Opo na po,” sabay mute ko sa cp. Kahit mumurahin ito, mahal ko itong cp ko no? Sinilip ko kung sino ang nagtext. Si Ramil.

            Ramil: WEL, PAKOPYA NG ASSIGNMENT SA PHYSICS BUKAS HA?

            Ako: OO NA. BASTA PAKOPYA SA PHYSICS.

Kainis itong si Ramil. Pampadagdag suspense.

            Ward! Tumawag o magtext ka na. Dali. Please!!!

            Brrrr. Brrrr.

            Vibrate mode ng cp ko. May nagtext ulit.

            Walang name. Number lang.

            Si Ward!!!

            At eto ang text niya: PUWEDE BANG MANLIGAW?

            Napatili ako. EEEEEEEEEK!

Siyempre, binato ako ng nanay ko.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASWhere stories live. Discover now