"Oras"

14 0 0
                                    

Naalala mo ba?
Mga panahong masaya kapa
Panahong wala pang problema
Wala pang sakit at kirot na nadadama

Nadarama mo ba?
Mga araw na dumaranas ka ng sakit
Mga oras na ramdam mo ang mga yakap niya
Sarap sa pakiramdam na nandyan sya palagi para sayo

Tandaan moto mahal ko,
Ano man ang mangyari nandito lang ako,
Nandito para mapagaan ang loob mo,
Tumatayo sa harapan mo na ikaw parin ang mahal ko.

Mahal ko,
Ikaw lang at wala ng iba pa,
Hindi na hahanap ng iba,
Dahil walng may mas hihigit pa sa pagmamahalan nating dalawa
Dahil sayo, sayo lang sumasaya ang pusong ito.

Sana sa mga susunod na oras,
Ako parin, ako lang ang nasa puso mo,
Masakit man isiping wala kana,
Tandaan mo lang na mahal na mahal kita.

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon