KUWENTONG KALYE

767 20 11
                                    

KUWENTONG KALYE 

(SERIES) 

Bahagi na ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. 

Lagi nating nadadaanan, laging pinupuntahan, laging hinihintuan. 

Pero ang hindi natin alam... 

Sa bawat pagdaan natin sa isang lugar... 

Sa bawat makasalubong natin sa daan... 

Ay may iba't ibang istorya 

May sari-sariling kuwento 

Ito ay tatlong kuwento 

Ng tatlong nilalang 

Na pinagtagpi-tagpi ng mga kalye at kalsada ng Maynila 

Alamin natin ang kuwento nila 

Ang kuwento ng pag-ibig, pag-asa at pananalig 

Ito ang kanilang... 

KUWENTONG KALYE.

F.B. HARRISON ST. 

F.B. Harrison Street, nakakainis bakit ba sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay kailangan kong baybayin ang kahabaan ng F.B. Harrison St. Sa tuwing dadaanan na lang ang sinasakyan kong jeep sa kalye ng Harrison ay sumasakit na lang lagi ang puso ko, parang gusto kong himatayin at parang lagi bang gustong kong pumikit kapag dadaan ako ron para hindi ko makita ang sign board na F.B. Harrison at hindi ko mabasa ang salitang HP o Harrison Plaza.  

Kung pwede lang mag-iba ng way ang jeep para hindi na siya makadaan sa kalye na iyon, pero wala akong choice, yun lang talaga ang daan para makarating ako sa bangkong pinagtatrabahuhan ko sa may Gil Puyat.  

Sampung taon. Sampung taong umikot ang mundo ko sa pangalang iyon at hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang dalamhati at pangungulila sa pangalang yun. Hay ba't ba kasi sa daming pwedeng ipangalan sa kanya ay yun pa ang napili ng nanay niya eh di sana hindi ko isunusumpa ng ganito ang kahabaan ng F. B. Harrison. Kaawa-awang kalye, pati siya nadadamay sa kalungkutan kong ito. 

Fifteen years old lang ako noon nang una ko siyang nakilala, bagong lipat lang kami noon ng nanay ko sa Maynila kaya kahit Junior na ako sa highschool ay napilitan akong magtransfer din ng school. Kahit medyo naninibago ako sa kapaligiran ng school ay carry ko naman, siguro dahil nga sa isa kaming NPA ng nanay ko, I mean No Permanent Address, ay madali na kaming naka-aadjust sa iba't ibang klase ng buhay, iba't ibang klase ng bahay at iba't ibang klase ng tao. Wala naman kasi kaming choice na mag-ina sa pagiging NPA, kung saan-saan kasi nadedestino ang nanay ko sa trabaho niya. Sa Public School ako pinag-aral no'n ni mama, mahal daw kasi ang tuition fee ng private school sa Maynila kaya magpublic na lang daw muna ako. Okey lang naman sa akin yun, understanding naman akong anak, saka para sa akin, Public man o Private, pare-pareho lang yan.  

First day nang pagpasok ko sa school, ako lang ang first day na papasok sa eskwelahan na yun kasi ba naman, isang buwan na ang nakakaraan nang mag-start ang pasukan. Kaya bongga! Pagpasok ko ng school nagtitinginan ang mga tao sa akin, parang tinatanong nila sa mga sarili nila kung sino itong morenang maliit na kulot ang buhok na pumasok-pasok sa school nila. Sa section 1 ako nilagay kasi tutal naman pang Section 1 naman ang mga grades ko sa dati kong eskwelahan. 

"Class, we have a new classmate and her name is Marie Serrano." Pagkakaintroduce sa akin ng aming Homeroom teacher, "Marie, you may introduce yourself to you classmates." 

KUWENTONG KALYEWhere stories live. Discover now