Agad na binabaan siya nito ng tawag. Hinanap agad ni Bree si Ms. Okia dahil alam nyang nasa malapit lang ito. Sila ang sinusundan nila kanina kaya sigurado syang hindi pa ito nakakalayo.






"Sino yun?" takang tanong ni Sophie kay Bree


"Ms. Okia, at tama ang hinala natin" sabi ni Bree


"Totoo?" di makapaniwalang sabi ni Yanny


"Totoo" sagot naman ni Bree




Ten-ten-ten-ten-ten




Isang text message ang natanggap ni Mitch. At iyon ay nanggaling sa kanyang mommy. Hindi na nya naituloy ang pagtatago nya dahil mismong ang nanay niya ang hindi nagpapakita sa kanya.




From: Mommy ♥♥♥

Mitch, I bought you new cocktail dress. Its in your house now. Meron din sina Bree. Isuot nyo iyon. Kailangan nyong umattend sa isang party. This is a must!


---


Kahit ayaw sumunod ay ginawa pa din ni Mitch ang gusto ng mommy nya. Alam nya din na sa oras na magkikita sila ng mommy nya ay ipipilit na naman sa kanya ang kasal na gusto nito para sa kanya.






"Ano kaya ang ibig sabihin nung nakasulat sa puno" sabi ni Sophie habang inaayos ang buhok nya.



Naka-ayos na sila. Hinihintay na lang nila ang magiging sundo nila.



"Nakakapagtaka nga. Isipin nyo. Masyado naman atang coincidence ng nangyare. Lahat ng pangalan natin nakaukit sa puno" dagdag naman ni Lianne


"Teka?" biglang singit ni Mitch "Nagpakita na ba sa inyo ang mga boys?" takang-tanong nya sa kanyang mga kaibigan


"Hindi pa nga nagte-text si Bryan saken eh" sabi namam si Lianne


"Even Michael" singit naman ni Bree






Takang-takang sila. Ito ang unang beses na di nagpakita ang mga ito sa kanila. At pangatlong araw na ito.



Beep beep (sound effects sa pagbusina)




"Tara na. Nandyan na ang sundo natin" sabi ni Yanny






Mabilis na kumilos sila. At agad din namang nakasakay sa sasakyan. Lahat sila ay nagtaka. Dahil ang nagsundo sa kanila ay si Terrence (tanda nyo pa ba sya?). Ngiti lang ito ng ngiti habang nagmamaneho. Kapag tinatanong naman ay di magsasalita.






"Nandito na tayo" anunsyo ni Terrence.






Maging si Terrence ay naka-pormal na suot. Sa isang malaking bahay gaganapin ang party.




Sa hardin ay may ibat-ibang bulaklak na nagkalat din na mga ilaw. Meron ding mga petals sa swimming pool. Organize din ang lahat. Naka-cater din ang mga tables at chairs.




Habang tinatahak nila ang daan papasok ng bahay ay napansin nilang lahat ng taong nandito ay naka-maskara maliban na lang sa kanila.






"Bakit naka-maskara pa?" tanong ni Sophie


"Aba, malay ko. Sabay kaya tayong dumating dito" sabi naman ni Mitch


"Baliw! Alam ko. Nagtatanong lang ako baka naman may alam ka" sarkastic na sabi ni Sophie


"Tumigil na nga kayo" saway ni Yanny


Clash: Casanovas vs. AmazonasWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu