Scammed

4 0 0
                                    

Galing akong trabaho from night shift. Dumiretso ako sa mall to meet up with my friends. I went there with one of my friends kasi inaantok ako. Baka kung anong mangyari sa'kin pag lumakad ako ng mag-isa kaya sumabay ako sa kanya.
As we entered the mall, there are few agents asking if we have credit cards. Syempre, dedma lang kami. Don't talk to strangers di ba? My friend asked me kung gusto ko sumama sa kanya sa book store kasi may bibilhin pa sya. O baka daw gusto ko na lang maghintay dun sa restaurant na kakainan namin kasama yung iba pa naming friends. Wala pa sila dun kaya I decided na sumama sa kanya. Naglakad-lakad kami while trying to find the book store. Then, I don't know, my mind is somewhere else, namalayan ko na lang na may kausap na lalaki yung friend ko. And suddenly, nakikinig na din ako sa usapan nila. Sabi may free bags daw. Ang kapalit lang daw ay makilala yung insurance company nila. No commitment. Okay. Tapos biglang may dumating na isa pang agent. Parang isang agent para sa isang client. They asked us if we have credit cards. Eh meron yung friend ko. Ipinakita nya. Sabi ko wala akong credit card kaya sabi nila, ATM debit card na lang daw. They even asked us for valid IDs. Tapos we signed up dun sa form para daw proof na nakuha namin yung free bags na hindi pa nila iniaabot. Tapos biglang naglalakad na lang kami papunta dun sa office ng insurance company nila. Nagkukwentuhan pa kami on the way to their office. Sabi pa nung agent na kausap ko, ka-birthday ko sya. Naniwala naman ako. Nag-usap kami slightly about my work then yung mga mall na malapit dun sa work ko, mga galaan and everything.
Pagdating namin sa office nila, pinaupo muna kami. Hintayin lang daw namin yung freebies tapos ayun, pinapasok kami sa isang room then, may kumausap sa'min na iba pang agent. Magkaiba yung kumausap sa'ming dalawa nung friend ko. At nagsimula na nga ang sales talk. Ipinaliwanag ng agent yung tungkol sa company nila, yung benefits, yung coverage, yung payment plan. I was so worried kasi may naghihintay sa'min. Yung ibang friend namin, nandun na sa restaurant. Hinayaan ko lang na mag-explain yung agent while I'm texting. I told her that I'm multi-tasking. I'm listening to her while doing my thing. Sabi nya napaka-insincere ko daw kausap. It strucked me kaya itinago ko yung phone ko. Nakinig ako sa kanya. Tumingin pa nga ako sa mata nya habang nagpapaliwanag sya. She's asking me questions like: May ipon ka ba? Anong gagawin mo kapag may emergency? Pano kung hindi na covered ng insurance mo ngayon? Sapat na ba yung insurance mo ngayon?
Tapos namalayan ko na lang, nagsasagot ako ng form. Isinusulat ko ang pangalan ko, age, birthday, all the personal information. Pati tungkol sa nanay at tatay ko, inilagay ko. Tapos kinuha nya yung ATM card ko. Titingnan nya daw kung iaapprove ng bank. Meron silang machine, inilagay dun yung ATM card ko tapos sabi daw nung bank sa kanila, mag-over the counter daw ako. Ako namang si tanga, nag-withdraw ako tapos ibinigay ko sa kanila. Nag-alangan ako actually pero sabi nila, it was just like I was transferring my money to another account. So, ibinigay ko yung pera ko. Pumirma ako sa kontrata. Nag-sign up ako para isang insurance na hindi ko naman kailangan.
Pagkalabas namin sa office nila, pakiramdam ko, na-budol ako. Ipinaliwanag naman nila yung coverage and everything about their insurance package pero nasan na yung free bags?! Wala. Hindi nila ibinigay. It was just their way of enticing people to get an insurance package with them.
After a day, I researched about their company. Wala man lang silang official website. Wala as in. Kinabahan na ako. Then, may nakita ako sa Facebook na isang group ng scam victims nila. Legit naman yata yung company pero wala akong makitang magandang reviews. Kahit isa wala. Puro bad reviews ang nakikita ko. Lahat gusto i-cancel insurance. Nagtext muna kami sa agent na kumausap sa'min. Hindi sila nagreply, pareho. So, bumalik kami ng friend ko sa office nila. Sabi namin, gusto na namin i-cancel yung insurance plan namin kaya lang ipinaliwanag nya na kailangan pang pumunta sa head office nila. Iimbestigahan pa. Ang daming hassle. We ended up signing another form that we won't cancel the insurance plan. Ready na yung form nila na yun. Ibig sabihin, it happens all the time. Ang tanga namin di ba? Sabi nung manager, hintayin na lang namin yung contract at yung card. After a month daw, kuhanin namin sa office na yun. Pwede naman daw na hindi namin ituloy ang paghuhulog. Pwede naman daw maghintay na lang kami ng one year para i-terminate yung plan. Mapapabalik naman daw sa'min yung pera namin after a year. Sana nga mapabalik pa. Sana.
Sobrang dami kong chance para tumanggi. Sobrang dami kong chance na hindi kuhanin yung insurance. Sobrang dami kong chance na hindi ibigay yung pera ko. Pero dahil sa katangahan ko, yung perang pinaghirapan ko, hindi ko alam kung mapapabalik pa ba.

Kaya kayo, kung meron mang ibang makakabasa nito, please, be alert all the time. Be mindful. Wag basta magpapadala sa freebies. Kapag may kakaiba na, umalis ka na. Wag ka na makipag-usap. Wag masyadong maging mabait. At wag kakalimutan na mag-pray. Humingi ng guidance kay Lord everytime, every minute of the day, every second.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 15, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ScammedOnde histórias criam vida. Descubra agora