Ang Simula

25 3 2
                                    

10 September 2900 | 10:05
PUSH 1-A Classroom

Huling araw ng huling panakademikong pagsusulit ng unang semestre ngunit walang maaaninag na galak o saya sa mga mukha ng nasa silid. 'Di tulad sa ibang mga unibersidad, ang araw na ito ay hudyat na ng isang gabing puno ng saya.

Natapos man nila ang Agham, Panitikan, Matematika, Sankalikhaan, at iba pang aralin, ay 'di sila sigurado para sa isa pang pagsusulit bukas – ang pisikal na pagsusulit sa lakas, tatag, at kapangyarihan. 

Matapos maipanukala ang K-12 na akademikong sistema sa ating bansa, ay nakita ang matagal na pagbabago ng bansa. Dalawang daan at limampung taon pa ang lumipas bago nakita ang mga bunga, lalong-lalo na sa agham. Nagsimula na ang paggamit sa mga nuclear power plant, paglilinis sa karagatan at mga ilog, paglago ng medisinang gawang lokal na mas mura, at lalong lalo na ang paggamit sa ating likas na yaman para sa kabutihan ng lahat.

Ngunit hindi ito nag tagal, gaya nga ng kinatatakutan ng lahat simula pa noon, dahil sa oryentasyon ng ating akademikong ginagawa tayong "export-ready" ay tumaas ang unemployment rate sa bansa ng 72%, at halos lahat ng mga eksperto, artista, at mga guro ay nagsialisan na sa bansa dahil sa biglaang paglugmok ng ekonomiya ng bansa sa pamamahala ni Ramonelo Ruel Diamante sa taong 2356.

May mga iilan pa namang naiwang mga eksperto sa kani-kanilang mga larangan. Ngunit makikita na unti-unting bumabalik ang bansa sa dating estado nito. Paurong na ang Pilipinas, imbes na pasulong.

Hanggang sa taong 2360, isang malaking pagsabog ang gumulantang sa buong bansa. Nagmula ito sa isang malaking warehouse sa siyudad ng Davao. Isang napakalaking pagsabog sa ere na kung saan halos napuno ng abo ang buong bansa. Mahigit-kumulang isang linggo rin ang ginugol ng pamahalaan at ibang pang mga organisasyon sa paglinis ng kalat na gawa ng pagsabog.

Base sa ulat ng mga pulisya at siyentistang sinuri ang pinagmulan ng pagsabog, ito raw ay nanggaling sa isang warehouse na pinagmamay-arian ni Dr. Patrick Rible, isang tanyag na engineer, Quantum physicist, surgeon at internal medicine na doktor. Kinalulungkot nilang pagbutyag na posibleng nadamay ang naturang doktor sa pagsabog.

Isang buwan matapos ang pagsabog, ay unti-unting may napansing pagbabago sa iilang kabataan sa bansa. May ibang nag-iba ang anyo at ilan na nagpakita ng hindi maipaliwanag na mga kapangyarihan. Sa simula ay nagitla ang buong bayan, at sa Presedential Decree 9843 ni Diamante, ay nagdeklara siya ng batas militar sa bansa at pinadakip ang lahat ng kabataang may mga kakaibang katangian.

Hawak na ng gobyerno ang midya, internet, lahat ng paraan para sa komunikasyon kaya hindi naka labas sa bansa ang balita tungkol sa pagbabago sa mga kabataan. Lahat ay itinago at ginawang isang pambansang sikreto.

Apat na taon ring kinulong ang mga bata at pinag eksperimentuhan ng iba't ibang siyentista upang malaman ang rason kung bakit nagkaganoon. Kahit naghihirap na sa pondo ay nangutang ang gobyerno sa ibang mga bansa at bangkong internasyonal para sa pagpapatuloy ng pananaliksik sa bagong penomenang ito at sa pagbabakasakaling magagamit ang mga kabataan sa pagunlad ng bansa. Sa higit 800 na batang ginamit sa pananaliksik, halos 200 na lang ang naiwang buhay.

Maraming tutol sa ginawa ni Diamante ngunit wala silang magawa kasi nasa batas militar ang buong bansa, at kung kukontra man sila ay malaki ang posibilidad na ipapatay sila, ikukulong o pahihirapan.

Akala ni Diamante na sa Pilipinas lang ito nangyayari, at ginamit pa ang pagsabog ng warehouse bilang rason kung bakit nagkaganito ang mga kabataan. Ngunit nabalitaang pati pala sa mga karatig bansa ay nangyayari din ang 'di maipaliwanag na pagbabago sa anyo at kakayanan ng mga kabataan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PUSHWhere stories live. Discover now