Prologue

7 0 0
                                        


"Mamamatay na ako!"

Tiningnan ko ang langit at ngumiti. Sabi ko noon sa kanya na magiging arkitekto ako siya naman enhenyero at hindi sundalo.
Sana man lang nagpaganda ako sa huling araw ko para makita niya na maganda parin ako.

Tiningnan ko ang sarili ko.
Puno ng dugo. Haaay! Kalalaba ko pa naman 'to. Pahamak talaga itong mga terorista.
Tiningnan ko ang paligid and nakita ang mga kasama ko na nagsasakripisyo para makuha ulit ang lugar na ito.

Oras ko na magpasikat.
Spotlight. Tsek! Mga baril? Tsek! Bala? Tsek! Astig na stratihiya? Tsek! Magandang lokasyon? Tsek!
Tiwala sa sarili? Napakalaking tsek!

Misyon: patayin ang mga terorista at umuwi para malabhan ang damit ay magsisimula sa pagbilang ko ng tatlo.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.

Umalis ako sa pwesto na pinagtataguan ko at nagsimula na bumaril. Halos lahat matatamaan sa ulo o kaya sa dibdib. Kasalanan naman nila yun. Kung hindi lang sana sila bumaril agad, hindi sana ako liligo ng dugo at hindi aaga ang alis nila sa mundo.

Habang naglalakad naramdaman kong sumakit ang tiyan ko. May tama pala ako.

Habang naglalakad pabalik ng kampo nalala ko ulit ang pangyayaring yun. Yung alaalang mahirap kalimutan. Yung alaalang naging dahilan kung bakit naging sundalo ako ngayon.

***
Nobyembre ika-31

Yan araw kung kailan huli ko siyang nakita.
Nakangiti pa siya nun.
Nagkwekwentuhan. Nagaasaran.

Lahat yun nawala nung sinalakay kami ng mga terorista.

Natakot ako nun.
Pero hindi ko alam bakit hindi ako umiyak. O baka naman dahil kasama ko. Kayakap.

Lahat ng tao nagsisigawan. Maririnig mo talaga ang ingay ng baril.

May lumapit samin na terorista. Hindi ako makagalaw. Pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Dumadasal na mabubuhay kami.

Laha ng iniisip ko tumigil nang may narinig ako putok ng baril.

Ako dapat yung mamamatay. Hindi siya. Hindi siya. Kung hindi lang sana siya humarang sana buhay pa siya.

Dugo. Naliligo siya sa sarili niyang dugo.
Luha. Naguunahang tumulo.
Galit. Naguumapaw na galit.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero nung nahawakan ko ang baril nakita ko nalang ang terorista nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo.

Hindi ko alam bakit pero napangiti ako.

Pero nung may tumawag sa pangalan ko bumalik ako sa normal.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Wag kang mawala! Nangako ka na hindi mo ako iiwan. Magpapakasal pa tayo diba?"

Sinuklian niya ako ng ngiti.
"Pasensya na aking mahal kung iiwan kita pero palagi mong tandaan na minahal, mahal at mamahalin pa din kita."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Umaasa na malalampasan namin ito. Pero lahat ng pag-asa nawala nung hindi ko na naramdaman na niyayakap niya ako pabalik.

Tiningnan ko siya. Wala na siyang buhay. Hindi humihinga. Tulog na siya. Nakatulog siya ng maaga.

Dumilim ang paningin ko. Kinuha ko ang baril at binaril lahat ng teroristang nakikita ko.

Nang dahil sa kanila nawala ang taong nagmahal sa akin ng totoo!
Nang dahil sa kanila winasak nila ang mundo ko!

Pinatay nila si Nina Gabrielle Legario.

Wala na ako gusto makita kundi dugo. Gusto ko sila makita naliligo sa sarili nilang dugo.

-end of prologue-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaalamWhere stories live. Discover now