Simula sa paghanga, paghangang di ko malilimutan;
paghangang di ko alam kung kailan ko tatagalan
ito'y nagsimula nung ako'y iyong tinulungan
na parang ang aking mundo'y naestatwa sa aking pinanggalingan
Na parang ang aking mundo'y isang laro
larong di ko inaasahan, larong kailanman ayokong pakinggan.
Lumapit ka sa sa akin at sabay sabing "tara...tagu-taguan...ikaw taya!!"
Ako'y naging masaya kapiling ka't hinahanap ka,
hanap dito, hanap doon; hinahanap ka't papunta sayo
Nakita kita, Nakita mo ako
Nagtama mata natin. "Hahaha, nahanap mo ako ang galing mo"
Nagtawanan tayo. tawang sana tayo lang dalawa ang tao sa mundong ito
Doon ko nalaman sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko
Nararamdaman ko para sa iyo, Mahal Ko
Sa pangalawang araw ang nagdaan
Nagkita tayo, nakita kita, nakita mo ako
Ako'y pilit na ngumiti
pilit na aking binibinhi
Ako'y lumapit "tara laro tayo,may bulaklak ako ohh!" binigyan ko sila
tinirhan nila ako
napili ko ang bulaklak na may LIMANG talulod
Unang pitas: DI AKO MAHAL :
Unang araw na kitang makita, nabihag mo agad ang aking mga mata
Pangalawang pitas: MAHAL AKO :
pangalawang araw kitang nakasama ng matagal ay alam ko na sa sarili ko na ito ay isang paghanga
Paghangang dapat iwasan, dapat pigilan at di dapat pabayaan
Dahil alam ko sa sarili ko na ayaw kong masaktan
Pangatlong pitas: DI AKO MAHAL :
tatlong segundo nakatitig sayo
hinihiling na sana ako nalang ang pinili mo
Pang-apat: MAHAL AKO :
Apat na beses akong umiyak simula nung tayo'y naglaro
Sinisermunan ang sarili "NA BA'T BAKIT ANG TANGA KO?!"
nung nakita kitang may kasamang iba na dapat na ako
Panglima: DI AKO MAHAL :
Huling pitas ng bulaklak ang aking nagawa,
tumingin sayo,
tiningnan ko sya
sa simula palang alam kong talong-talo na ako
DI.AKO.MAHAL.
DAHIL.DI.AKO.MINAHAL.
Nung tayo'y nagtu-taguan,
nakita kita
nakita mo ako
nakita ko kayo
Nakita ko ang saya sa iyong mata
Sayang na sana ako nalang ang nakakagawa
Mga katagang gusto ko sanang sabihin sayo "Mahal kita, dati pa"
Ngunit imbes na aking ginawa
Lumabas sa aking salita
"Ang swerte mo sa kanya, sana magtagal pa"
Salitang isang traydor sa aking ipinamukha
TANGA
Salitang aking masasabing ako'y isang tanga
minahal ko ang taong na dapat kaibigan ko lang
YOU ARE READING
ang wakas ng aking paghanga
Poetrymy very own spoken poetry.please support i know some of you will relate into this spoken poetry
