#5 Under The Rain (Sofia)

214 3 0
                                        

NOTE: Kapag magtatapos ang isang dialogue ng "---X" ibig sabihing, flashback ang susunod niyan. Hindi ko rin i italized para mas magiging madali ang pagbabasa niyo. Btw, hindi pala ito POV ni Jivir kundi POV ni Sofia pero connected siya sa story #4.

---X

"Uy? Okay kalang?" tanong ko sa lalaking kanina pa tulala sa kawalan.

Kailangan ko siyang lapitan kasi feeling ko uulan. Sabi kasi ni Kuya Vincent ang weather reporter ay may bagyo daw ngayong linggo dahilan para umulan ng lumakas.

Teka, bakit parang walang naririnig tong tinanong ko?

"Hello?! KUYA!? MAY TAO BA JAN!? ROGER ROGER!" sigaw ko sa lalaki.

Parang natauhan ang lalaking kanina ko pa sinisigawan. Buti naman ngayon alam niya na may tao na sa tabi niya at hindi lang siya panay tutuok sa kawalan.

Biglang nanigas ang balahibo ko ng nagsimula ng pumatak ang butil ng ulan. Binuksan ko ang dala kong payong at sumilong ako sa loob, parang walang pakiealam ang lalaki na nababasa siya, anong problema niya?

"HOY! ALAM MO BANG UMUULAN!?" sigaw ko sakanya.

Hindi siya kumikibo kaya hinila ko siya at tinakbo papaunta sa pinakamalapit na pwedeng masilungan. basang basa nga kami kasi nabitawan ko ang payong na kanina pa ay sinilungan ko. Nasa labas ata kami ng isang sari-sari store.

"Bakit mo naman ako hinila!?" sabi niya.

"Kung hindi kita hinila siguro kanina kapa basang basa sa ulan!" sagot ko.

"Dapat pinabayaan mo nalang akong mabasa!" masungit na sabi niya.

"Ikaw na nga 'yung tinulungan, ikaw pa ang may ganang magalit? Aba! Ang galing mo rin ano!?" sabi ko.

Napabahing ako ng wala sa oras dahil anlamig na ng paligid. Idagdag niyo pa na nabasa ako ng ulan kanina. Lintek! Tapos siya pa ang may ganang magalit saakin? SOLOMOT HO! ~

Nabigla ako ng inabot ng lalaki ang kanyang polo na kanina ay suot niya. Ayaw ko sanang kuning pero mas nilapit niya ito kaya tinaggap ko nalang. Buti nga at naglessen na ang lamig ng nasuot ko na ang polo niya. Malaki laki rin kasi ito.

"S-Salamat" sabi ko ng pautalutal.

"Jivir." sabi niya.

Aba? Hindi ko naman siya tinatanong ng pangalan niya ah? Pero okay narin para naman hindi na ako magtatanong kung anong pangalan niya.

"Sofia ... HACHU!" 

---X

Natauhan ako bigla ng nakarinig ako ng malakas na pagbagsak sa harapan ko. As usual, ang bestfriend ko palang si Kyle ang humampas ng lamesa. 

Teka, bakit niya pala hinampas ang lamesa sa harapan ko?

"Alam mo bang uwian na!?" pasigaw na sabi ni Kyle.

"H-Ha?" walang muang na sabi ko.

Napalingon ako sa paligid at tama nga si Kyle, uwian na. Kami nalang ata dalawa ang tao rito ngayon. Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo. Nilagay ko narin ang backpack ko sa likod ko. Walang kibuan kaming lumabas ni Kyle sa classroom.

One Shot CompilationsWhere stories live. Discover now