(8/18/18)
Isa, dalawa at napabilang ako ng tatlo.
Dapat nga ba akong sumama sa'yo?
Isa, dalawa at pagkabilang ko nang tatlo.
Ako'y napabigkas ng salitang "OO".
Hindi alintana, ang pagbubulungan ng iba.
Dibale ng matawag ng hindi kaaya-aya.
Dibale ng mabansagang, babaeng walang hiya.
Ang makasama ka ay siyang natatanging mahalaga.
Sa gitna ng kasikatan ng araw.
Ay tila wala na ngang balak pang umayaw.
Umaasta na parang mas malakas pa sa kalabaw.
Animo'y walang sumasakit at hindi rin nauuhaw.
Sa namumulang mukha, kilig ang siyang mababakas.
Mga ngiting wagas na akala mo'y wala ng bukas.
Kung mamarapatin ay 'wag na sanang magwakas.
Ang ligayang nadama na hatid ng biglaang angkas.
