Napapagod na akong tanongin ka kung mahal mo pa ba ako,
O kung talagang minahal mo nga ako.
Di ko alam kung yung i love you mo noon ay isa lamang biro.
Sa apat na taon, minahal mo din naman siguro ako.
Sawa na kasi akong magsabi ng mahal kita
Kasi parang wala ng patutunguhan pa.
Pero alam ko sa sarili ko na mahal kita,
Nagsasawa lang siguro akong sabihin na.
Dahil wala namang mangyayari kahit paulit ulit kong banggitin ang salitang, "babe, mahal na mahal kita"
Kasi alam ko namang,
Ang salitang mahal kita ay hindi isang tanong na dapat sagutin.
Kundi isa lamang pakiramdam na minsan binabanggit lang dahil yun ang nararamdaman natin.
Kaya, pasensya na.
Mahal kasi kita
Kaya kahit di ganon ang nararamdaman mo para sakin,
Okay lang..
Di mo man masuklian sa paraang gusto ko,
Atleast nasabi ko sayo ang tunay na nararamdaman ko.
