But my attitude and likings are far different from my powerful name. I curse too much and failed my subject. Rule breaker and always end up in guidance office. I am care free and little bit rebelled.  Far from prim and proper that what I should be.

Well, I am not born to please everybody but I am aware of our livings. Then one day, I found myself dressing up like a guy. It is convienient at iwas hassle na rin. Minsan kasi nakakasilaw na ang spot light.

Archangel. Yan ang pangalan ng banda ng kaibigan ko na kinabibilangan ko na rin. Tumutugtog kami tuwing friday. Katuwaan lang to nung una pero kalaunan ay nagiging passion na namin. Kumikita kasi kami dito, hindi man kalakihan ay nakakatulong naman. Lahat ng kinikita namin ay napupunta sa charity na tinutulungan naming magkakaibigan.

Pakatapos ng ilang rock na tugtog ay may isang oras kaming binigay sa audience para mag request ng gusto nilang kanta na tutugtugin namin. Madalas mga love story ang nire-request nila kaya minsan bumababa na ako dahil hindi ko forte ang ganoong genre.

Inaayos ko ang bass guitar ko ng lapitan ako ni Glyd.

“Audience requested one tagalog love song.” Aniya.

“Oo. Bababa na ako.” wika ko sabay ambang bababa na ng hawakan niya ang braso ko.

Kunot-noong tinignan ko ang kamay niya sa braso ko.

“He wants you to sing instead.”

Nagulat ako roon. First time na may nag request na audience na ibang kakanta bukod sa bokalista namin. Hindi ako kumakanta sa stage pero maganda naman ang boses ko kesa sa palaka. Pero nakakagulat lang talaga na may nag request sakin na kumanta, instead of Glyden.

“Isang kanta lang naman.” sabi pa ni Glyd.

“Osige. Anong kanta ba?”

Pinakita niya sakin ang lyrics ng kanta at kinanta niya ang chorus. Luckily, alam kong ang kanta.

Nagpalit kami ni Glyd. Siya ang tutugtog ng bass, ako naman ay pumunta na sa harap ng mic para i-test ito. Kinakabaan ako pero ang saya sa feeling. It's my first time to sing in the stage at pinangarap ko rin ito. Ayoko lang talaga gawin para iwas sa spotlight.

“Good evening everyone! A request from Mr. GC. This is a song for you.”

Nagpalapakan ang audience kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. Huminga ako ng malalim bago nilingon si Prince senyales na pwede na magsimula.

Mula nang aking masilayan, tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong, sa'yo ay magmahal

Laman ka ng puso't isipan, di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pag bigyan ♪

Hindi ko talaga trip ang mga lovesong. Napasubo lang talaga ako sa isang to. But as for my professionalism, gagawin ko lahat mabigyan lang hustisya ang kantang ito.

Pumikit ako ng mariin at dinama ang kanta.

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala-wala pa
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba

Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa ♪

I really don't understand why some people gets crazy when they fall in love. Bakit may mga taong nagmamahal kahit alam nilang masasaktan lang sila? Bakit may mga taong nagmamahal kahit alam nilang may ibang mahal ang taong mahal nila? Bakit may mga taong patuloy na umaasa at nagpapatanga dahil sa sinasabi nilang pag-ibig.

Ganon ba talaga kapag naiinlove? Parang nakakatakot naman. But still, I'm curious and.. want to know how does it feels.

Nagmulat ako ng mata at tumingin sa mga manunuod. Halos lahat sila nakatingin at manghang mangha sa pagkanta ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiilang. Hindi talaga ako sanay sa spotlight.

RETURNDonde viven las historias. Descúbrelo ahora