Naramdaman ko ang mabibigat nilang yabag senyales na hinabol nila ako.
“Attitude ka girl? Hinintay ka namin tapos mang-iiwan ka?”Ani Prince habang papalapit sakin.
Humarap ako sa kanila. Seryoso ang mukha ni Glyd at matalim ang tingin sakin. Si JL nagsusuplado na naman sa gilid. Habang nahuli naman si Reiven dahil may humarang na babae sa kanya. Umirap lamang ako kay Prince.
“Busy kayo e. Kailangan ko nang umuwi.”
Tumawa si Prince at kinurot ang mukha ko.
“Ano ba!” iritado kong tinampal ang kamay niya.
“Selos ka naman.”pang-aasar niya.
“Dream on, Prince!”
Ngumisi siya at lumapit pa sakin.
“Ang cute mo talaga. Tara na nga.”
Inakbayan niya ako at giniya palabas ng school.
“Wala akong pera mga pulubi. Uuwi na ako.” sabi ko, pilit na kumakawala sa akbay ni Prince.
Alam ko na ang ugali nito pag ganitong uwian. Mag-aaya na kumain sa labas pero sa huli ako ang magbabayad sa kinain namin. Ginagawa nila akong human wallet.
“Kawawa ka naman pala, Prinsesa. Bankrupt kana?” dahil sainyo bwesit! “Buti nalang mabait ako ngayon. Lilibre kita mamaya.”
Weh? Weeh!?
Prince chuckled. “Silly. Bakit amazed na amazed ka? Hindi ka naniniwala?”
Walang emosyon ko siyang tinignan. “Hindi.”
May narinig akong tumawa sa likod. I think it's Reiven.
“Kaya na nga kitang buhayin at kahit mag-anak ng marami magbubuhay prinsesa ka parin. Ano papakasal kana?”
“Gago!” Singhal ko. Humalakhak lang ang unggoy. Umamba akong susuntok.
Bago pa tumama ang kamao ko mukha niya ay may marahas na kamay ang humila sakin palayo kay Prince.
“Stop feeding Dwen with your fuck boy lines, Nathaniel.” si Glyd sabay hila sa palapulsuan ko patabi sa kanya. “And back off! She's my wife!”
Nalalag ang panga ko sa banat ni Glyd pero agad ding nakabawi. Inapakan ko ang paa niya. Tumalon-talon siya sa sakit at nagmura.
“Aw. Love really hurts huh?” pang-aasar ni Prince. I glared at him, he just laugh. “Hangga't nabubuhay ako.. hindi kayo magkakatuluyan. Tatak niyo sa bato.” At tumawa siya na siya na parang kontra bida sa mga pelikula.
“Tama na nga yan. May gig pa tayo. It's friday.” si JL, sa wakas nagsalita na.
“Huh? Friday ba ngayon?”
Tumango si JL. He eyed me curiously.
Madalas talaga ako nakakalimot ng araw. Makakalimutin lang talaga ako. Hindi ko alam kung sakit ba iyon o ano. But I know it is not normal to forget days, and even simple things. I am very forgetful, don't know what's wrong with me.
“Nakalimutan mo?” Glyd asked. Kunot noo niya akong tinignan.
“Gurang ka na Prinsesa. Palagi kang nakakalimot.”
“Shut up, Rei!”
Everyone knows me as a granddaughter of Chairman Choi of Choi group. Seron Choi who owns a company, a high end hotels and resorts in all over the asia. People talk about me and think highly of me. Bawat galaw ko, sinusundan nila. Bawat salita ko, may sinasabi sila. Ultimo kinakain ko pinag-uusapan nila. Dagdag mo pa na may kaibigan akong apat na unggoy, panes sakin ang mga celebrity.
ESTÁS LEYENDO
RETURN
RomancePara sa mga taong maniniwala at patuloy na naniniwala sa hiwaga ng pag-ibig. Ang love song ay nag e-inspire sa mga tao na matutong magmahal kahit gaano pa ito kasakit. -Anonymous
