"Miss! Miss!" sigaw sa'kin ng boses pero hindi ko makita kung saan. Lumingon ako pero hindi ko pa rin makita ang pinanggagalingan ng boses. Ginusot ko ang aking mga mata at nagbalik ako sa kalagitnaan ng Cubao. Maayos ang mga buildings sa paligid at patuloy na naglalakad ang mga tao sa may gilid ng kalsada at traffic pa din. Isang traffic enforcer ang nasa aking harapan. Siya rin ang kanina pa tumatawag sa'kin.

        "Bakit po?" nausal ko na lang dahil sa ngayon ay okupado ng isiping papaano nangyari iyon ang aking utak. Papaanong isang iglap lang ay nasa ibang mundo ako at sa isang kisap-mata lang ay nakakabalik ako. Epekto ba ito ng impyerno sa mga mata ko? Lumingon ako sa may gilid ng daan pero wala na ang anghel na pinagtanungan ko. Anong ibig niyang sabihing digmaan?

        "Bumalik ka na sa sasakyan mo at malapit nang umusad 'to," utos niya sa'kin na mabilis ko namang sinunod. Bumalik ako at isinarado ko ang pintuan ng aking sasakyan at siniguradong naka-lock ang mga pinto. Binuksan ko ang radyo at bumungad sa tainga ko ang balitang nagkakagulo na nga daw sa North Korea. Sinusugod na nito ang South at umaatake na rin sila sa karatig bansa. Ano na bang nangyayari?

Emerson | Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko na naman. Isang desisyon na babago ng lahat. Kailan ko nga ba maitatama ang ginawa kong isang pagkakamali? Digmaan? Pagbasa ko sa dyaryo kaninang umaga ay may gulo na ngang nangyayari sa North at South Korea. Ang karatig bansa na Japan ay nakikisali na rin. Alam kong ako ang may kasalanan nito. Ako ang sumira sa balanse ng mundo.  Tama nga sina Peige...malaking kaguluhan ito. Isang malaking pagkakamaling iligtas pa si Sabrina.

        Pero nasaan na siya? Alam kong ligtas na siya. Gusto ko man siyang makita ay pinipigilan ko ang aking sarili. Natatakot akong baka maulit ang mga nangyari. Huli na 'to. kailangan maging ligtas na siya habangbuhay. 

Sabrina | Sunod-sunod ang pagkatok ko sa pintuan at ilang beses na akong nag-doorbell pero hindi pa rin ako pinagbubuksan ng pinto ni Emerson. Sampung segundo pa ang nakaraan nang maalala ko ang susi sa may ilalim ng paso malapit dito sa pintuan. Iniangat ko ang aso at naroon pa rin ang susi. Agad akong pumasok sa loob ng bahay at ilang beses tinawag ang pangalan ni Emerson pero walang sumasagot. Umakyat ako sa may kwarto pero wala rin siya. Tiningnan ko ang mga damit at mga gamit niya pero wala na rin iyon sa mga lalagyan.

        Nanlumo ako. Hindi ko alam kung anong iisipin o kung anong susunod kong mararamdaman. Nasaan na ba siya?

Kinuha ko ang telepono ko at hinanap ang numero ni Smoke pero wala ito sa contacts. Wala rin ang number ni Aldrin at ni Lavinia o si Cresilda maging si Peige. Posible kayang maraming nagbago? Posible kayang nagbago ang lahat dahil sa pagliligtas nila sa'kin?

Emerson | Narito ako ngayon sa isang apartelle. Kailangan ko nang iwasan si Sabrina kung gusto ko siyang tuluyang iligtas. Ang pag-iwas sa kanya ay alam kong katahimikan ang kapalit. Alam kong mapapayapa na siya at hindi na siya mapapahamak pang muli. Kung anuman ang kabayaran ng ginawa kong digmaan sa iba't-ibang mundo...handa kong pagbayaran iyon kahit ano pa man ang maging kapalit―masigurado lang ang kaligtasan ni Sabrina.

        Narinig kong bumukas ang pinto at si Smoke ang pumasok kasama si Peige. May mga dala silang supot ng mga groceries at dumiretso sila sa kusina. Sumunod naman ako at naupo sa may upuan malapit sa mesa. Inayos ni Peige ang mga pinamili nila sa may maliit na cabinet sa tapat ng lababo samantalang nagbukas naman ng dalawang beer si Smoke at iniaabot sa'kin ang isa.

        "She's fine," wika ni Peige pero hindi siya lumilingon sa'kin at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. "Tinawagan ako ni Aldrin kanina at 'wag ka na daw mag-alala dahil ligtas siya," dagdag pa niya.

        "G-glad to hear that," mapakla kong tugon.

        Hindi na kayang gawin ni Peige ang dating ginagawa niyang pagsilip sa nakaraan at hinaharap o mamasyal sa iba't-ibang mundo sa pamamagitan ng astral form ng kaluluwa. She lost her powers when she tried to warn me when I was back in the past. She's not blaming me pero nararamdaman kong nanlamig na ang pakikitungo niya sa'kin. I'm trying to fix my relationship to her as a friend pero mukhang malabo nang mangyari 'yon.

        Isa pa nga pala 'to sa mga kasalanan ko. 

        Paano ko nga ba maayos ang mga sinira ko? muli kong tanong sa sarili ko. Paano nga ba? Paano ko nga ba itutuwid ang lahat ng baluktot na nangyari sa'kin? Sa buhay ko? Sa buhay ni Sabrina. I know she can remember me dahil sa spell ni Aldrin. I know she will remember everything about me, about our love. I wrecked her. At gusto ko mang pagbayaran ang mga kasalanan ko sa kanya ay hindi ko magawa dahil bawal na kaming magkita. Mahigpit na ibinilin iyon ni Cresilda bago siya umalis papuntang ibang bansa. "Iwasan mo na si Sabrina. Dahil kapag nagkita kayong muli, baka maulit na naman ang nangyari."

        Pero hanggang kailan ko titikisin ang sarili ko?

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now