"In cella, ubi adversus aeternam mortem," sagot naman ng isa. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero isa lang ang nakakasigurado ako: ang takot sa'king dibdib ay hinding-hindi na mawawala.

        "Gising ka na pala anak."

        Napalingon ako. Si Mama pala ang pumasok sa komedor kasunod ang dalawa naming kasambahay.

        "O-opo," nangangatal na sagot ko.

        "Good morning, Sab," bati naman sa'kin ni Papa.

Naguguluhan ako ngayon. Kung bakit? At iyon ay ang katanungan na kung bakit nandito ako sa bahay. Dapat ay nasa bahay ako ni Emerson dahil iyon ang bahay namin. Doon ako nakatira. Nginitian ko lang si Papa bago umakyat muli sa taas. Mabilis kong kinuha ang telepono ko at tiningnan ang petsa.

        August-06-2014.

        Napahawak ako sa'king labi na may kumikislap na ngiti. Nailigtas ako ni Emerson at ng buong grupo. Nailigtas nila 'ko! Tapos na ang bangungot na kay tagal naming sinusolusyunan. Pero paano? Paano nila nagawang ibalik ako?

        Dinala nila ako sa isang malaking silid. Noong una napakaliwanag nito na para bang nagsasabing magiging ligtas ka at walang kang dapat ipag-alala pero unti-unti naging apoy ang mga ilaw at ang sahig ay naging kumukulong langis na may kasamang karima-rimarim na amoy at boses ng mga nagmamakaawang kaluluwa. Iginapos nila ako sa lubid na nakasabit mula sa itaas kung saan hindi ko makita kung saan. 

        "Anong gagawin niyo sa'kin?" paulit-ulit kong tanong pero parang hindi nila ako naririnig at nagpatuloy lang nilang hinigpitan ang paggapos sa'kin. Nang masigurado na nilang hindi ako makakatapos mula sa makapal na lubid na nakapalupot sa'king kamay ay iniwan na nila ako. Pagsara nila ng bakal na pinto ay lalong tumindi ang init na ibinubuga ng paligid. Nararamdaman kong napapaso na ako at parang pini-prito sa mantika ang aking balat. Dumaan pa ang maraming sandali ay lalo naghuhumiyaw na ako sa sakit. Ang lagablab ng apoy ay tumutunaw sa'king balat at nasabi ko na lang sa'king sarili, 'literal akong sinusunog dito sa impyerno'.

        Hindi ko alam kung ilang oras pa ang nakalipas bago ako tuluyang nawalan ng malay. Basta ang alam ko ay nasunog ang aking buong katawan kahit anong gawin kong pagtatalon o pagmamakaawa ay walang tumulong sa'kin. Pagdilat ng aking mga mata ay nasa harapan ko si Martha. Wala na ang apoy at ang amoy pero nakatali pa rin ako sa lubid na hindi nasusunog. Minasdan ko ang aking katawan at buo na ito  muli. Wala na ang lapnos kong balat at naprito kong laman pero nakakaramdam pa rin ako ng 'hungkag' na sa'kit pero hindi sa'king katawan bagkus ay sa'king kaluluwa.

        "Masarap ba ang nakalipas na limang-minuto mo dito sa seldang 'to?"

        Limang-minuto? Limang-minuto lang ang kinailangan para ipadama sa'kin ang sakit na 'yon? Sa'king pakiwari ay parang dalawang araw na akong naririto.

        "Martha," tawag ko sa kanya. Paos ang aking tinig, "nagmamakaawa ako, pakawalan mo na 'ko, please?" Hindi ko alam kung may tumutulong luha sa'king mga mata pero nanlalabo ang aking paningin.

        "Pakawalan?" suminghal siya. "Pag-aari ka na ng impyerno Sabrina," nagsimula siyang maglakad paikot sa'kin. "At kahit anong gawin mong pagmamakaawa, sinasabi ko na sa'yo ngayon pa lang, 'yan ay walang magagawa. Kaya ihanda mo na ang katawan mo para susunod mo pang limang-minuto.

        "Ano na namang gagawin mo sa'kin? Tama na!"

Mula sa kanyang kamay ay may lumabas na latigo na binabalot ng nag-aapoy na langis. Inumpisahan na niya akong pasakitan muli. At wala akong nagawa kundi ang sumigaw ng saklolo sa may Itaas. Dumaan pa ang ilang sandali at dumating ang dalawang lalaki at sinamahan si Martha sa pagpapahirap sa'kin. Kung saan-saang parte ng aking katawan tumatama ang latigo pero wala silang pakialam. Basta sa bawat paghalik ng latigo sa kalunos-lunos kong katawan ay kapalit niyon ay 'tuwa at saya' para sa kanila.

        Muli akong nawalan ng malay nang maramdaman kong dumampi ang latigo sa'king mga mata. Nagsusumigaw ako ng walang maliw hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng boses at hininga. Sa puntong iyon, hinihiling ko nang mamatay. Pero mukhang wala nang kamatayang naghihintay sa'kin dahil sa muli kong paggising ay  nakakabad sa kumukulong langis ang aking katawan. Literal na akong pini-prito sa impyerno. Literal. Literal. Para na akong mababaliw at hindi ko na alam pa ang gagawin o sasabihin. Tinigilan ko na ang pagsigaw at paghinigi ng tulong. Minasdan ko na lamang ang aking katawan na paulit-ulit na nasisira pero paulit-ulit na nabubuo sa bawat pagpapahirap na ginagawa ni Martha. At bawat kamatayan sa impyerno, kalakip niyon ay ang pagkasugat nga king kaluluwa. Paano ko nga ba matatakasan ang dusang kinasasadlakan ko?

        Minuto lang ba talaga ang lumilipas? Pakiwari ko ay mahigit isang-daang taon na akong naririto sa mga lumipas na sandali ng buhay ko. 'Literal' na buto at balat na lamang ako pero buhay pa rin ako. Wala na akong buhod at sunog na sunog ang kalahati ng mukha ko. Naaamoy ko ang aking sarili at ito pala ang amoy nang nasusunog na laman ng tao, nakakasulasok. Hindi ako kumakain pero hindi din ako nagugutom. Walang katapusang pagpapahirap, 'yan ang libangan ng mga demonyo dito sa impyerno. Ilang beses akong namatay pero paulit-ulti lang din akong nabubuhay. Wala pa akogn maayos na tulog simula nang una nila akong pahirapan. Pagod na pagod na ang katawan ko at sugat na sugat na ang kaluluwa ko.

        "Emerson," halos wala na 'kong boses. Itinali nila akong muli sa lubid. Hubo''t-hubad ang aking katawan at nilalangaw ang aking mga sugat. "Emerson," muli kong tawag sa pangalan niya. Sana ay naririnig niya ako gumagawa siya ng paraan para magkita kaming muli.

        Ipinikit ko ang aking mga mata at in-imagine ko na lang na nasa harapan ko siya. Pinipilit niya akong tulungan pero tila may invisible na pader sa pagitan namin. Nagsusumigaw siya ng tulong pero walang dumarating. Kahit anong pilit niyang abot sa'king kamay ay hindi niy ako mahawakan. Halos mapatid na ang ugat niya sa kanyang lalamunan sa kakasigaw pero hindi kami magkalaapit. Tila hindi pinapayagan ng sandaigdig na magkasama kaming muli. Wala akong nagawa kundi umiyak na lang ng walang tigil. Sa'king muling paggising, panibagong pagpapahirap na naman ang gagawin nila sa'kin.

        Tila sumisikip ang aking dibdib dahil sa mga masasamang nangyari sa'kin sa impyerno. Naupo ako sa may at niyakap ko ang aking sarili. Hindi ko napigilang hindi umiyak at humagulgol. Ligtas na 'ko kaya dapat ay 'wag na akong mag-aalala. Ang dapat kong gawin ngayon ay hanapin si Emerson at ibalita sa kanyang ligtas na 'ko. Na hindi ko siya nakalimutan at ang pag-ibig ko sa kanya ay ganoon pa din kahit na ganito ang nangyari sa'kin.

        Nag-dial ako ng number mula sa'king telepono. Numero iyon ni Emerson. 

        "The number you were trying to call is cannot be reached. Please try again later," sabi ng automated machine ng network.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now