Maynila

16 1 0
                                        

Morie Castillo

"Ito pala ang maynila? Maduming paligid, mabahong hangin at makapal na kulay abong langit. Ibang-iba sa pinang galingan kong Probinsya. Nagkamali nga ako ng iniisip." Kusang lumabas sa bibig ko ng makalabas ako sa bus na sinakyan ko galing probinsya.

"Morie, Hija ikaw ba yan?." Isang boses ng medyo may katandaang babae pero disenti kung manamit ang pumutol sa pagmamasid ko sa paligid. May bitbit siyang Shoulder bag at pamaypay.

"Opo. Ako nga po. Ikaw po ba si Aling Rosario?" malakas pero magalang na tanong ko kanya.

"Oo Hija. Mabuti naman at nakarating ka ng ligtas." lumapit sya sa akin at yumakap ng mahigpit. "Ang laki muna Hija." sabay bitiw sa yakap namin.

Ngiti lamang ang isinukli ko dahil sa totoo lang ay wala akong maalala tungkol kay aling Rosario. Ang alam ko lang naman ay Tiyahin daw siya ng Yumao kung Ama. Yun ang sabi ni Nanay.

"Kung sabagay Tatlong taon kapa nong muli akong bumisita sa Probinsya." Hinawi niya ang kamay ko at nag simula ng maglakad.

"Pasensya napo kayo kung hindi ko po kayo naaalala. Bata pa po kasi ako nun. pero palagi po kayong bukangbibig ni Inay." Mahinahong tugon ko sa kanya. sabay ngiti.

"ano kaba naman Morie, Naiintidihan kita." Sumakay kami agad sa magandang kotse. Wow may kotse siya baka mayaman ang asawa nito.

" Ahh Hija pwede mo ba akong tawaging Tita Mommy. Ang bantot ng Aling. ayaw ko namang tawagin moko ng Lola. Alam kung Lola muna ako dahil Tiyahin ako ng iyong ama. pero hindi ko gusto ang ideyang tawagin mokong Lola, Tiya at lalo na ang aling. Mas lalo akong tumatanda." Di ko alam kung nagpapatawa ba siya o talagang seryoso siya sa pinagsasabi niya. pero parang seryoso talaga ehh.

Tumango nalang ako at ngumiti. " Opo Aling- ahh este TitaMommy."

Makalipas ang ilang Minuto sa pag byahe, huminto ang kotse sa tapat ng malaking bahay. Siguro ito na yung bahay na tinutuluyan ni titamommy. pumasok ang kotse at huminto muli sa tapat ng mismong pintuan ng bahay.

"Andito napo tayo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Oo Hija." matipid niyang sagot sabay ngiti.

"ahh, dito po ba ako magtatrabaho Tita mommy?" sabay kamot sa ulo kahit walang makati.

"Morie ano kaba, Hindi no."alam kung nag pipigil siya ng tawa dahil sa ekspresyon niya.

"Ano pong Ibig sabihin ninyo?" hindi parin ako kumbinsido sa mga ginagawa niya.

"Dito tayo titira Hija. Bahay natin to. Bahay to ng pamilya natin." mas lalong hindi ako maka paniwala sa pinag sasabi niyang pag mamay ari to ng pamilya namin.  walang ibang salita ang lumabas sa bibig ko kundi Wow lang. ang ganda ng bahay.

Bat naghihirap kami ni nanay kung mayaman naman pala ang mga angkan namin dito sa maynila. Teka lang ano ba tong iniisip ko.

pumasok kami sa bahay . Unang sumalubong samin ay dalawang kasambahay. kinuha nito ang mga dalang gamit ko. ayaw kung ibigay dahil ayaw kong pinagsisilbihan ako lalo nat mahirap lang naman ako. pero wala ehh kinuha nag pupumilit at wala akong magawa.

"Morie, Alam kong nalilito kapa sa pangyayari pero maiintindihan mo rin ang sitwasyon. kaya mag pahinga ka muna. sasamahan ka ni Ella sa kwarto mo para ihatid ang iba mong gamit." kalmadong Utos ni TitaMommy sakin.

tumango lang ako at nag simula ng mag Lakad patungong hagdan. hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwala. baka naman ay pinagloloko lang ako ni Tita mommy.

"Hija, may mga bagong gamit kana dun sa bago mong kwarto. meron ding cellphone dun at naka phonebook na ang number ng mama mo dun. kung may iba kapang gusto wag kang mahiyang mag sabi sakin oh sa mga kasambahay man lang. Feel at home ka lang Hija." parang hindi na talaga gumagana ang utak ko dahil sa pangyayari ngayong araw nato.

umalis na si tita Mommy at tinungo ang Kwartong matutuluyan ko

Una kong ginawa pagka dating ko sa kwarto ay tinawagan si Nanay.

naka ilang ring din ako bago ito sagutin ni nanay.

[hello anak, kamusta ka na diyan?] hindi pa nga Ko nakapagsalita alam na agad ni mama na ako to. Iba na to ahh.

"Ma, alam mo ba ang lahat ng to?, sinet- up mo lang ba ako?" tuloy tuloy na protesta ko kay mama sa kabilang linya.

[ pasensya kana anak. Kinakailangan eh. maiintindihan mo rin yan sa tamang panahon.] Kalmadong sagot ni Nanay sa mga walang prenong tanong ko.

"Oo ma. maiintindihan ko rin balang araw dahil ngayon palang ay litong lito na ako."

narinig ko ang pag hinga ng malalim ni mama sa kabilang linya.

[ wag kang mag alala anak.Malalaman mo rin ang katotohanan mag hintay kalang. Mahal kita anak.]

Gusto ko pa sanang mag salita pero pinutol na  ni mama ang tawag.
Inilapag ko ang Cellphone sa kama at umupo dito.

Gusto ko ng malaman ang katotohanan. Gusto ko ng malaman kung sino talaga ako.

Kung Sino talaga Si Morie Castillo.
--------------------------------------------

Hi po. Hindi po ito ang first time na gumawa ako ng story. pero hindi po ibig sabihin nun na magaling na akong sumulat. nahihirapan din po ako. Paki intindi nalang po ang mga mali. Tao lang po nag kakamali din.  sana po ay magustuhan ninyu ang Storyang Ito. Godspeed and dont forget to vote. 😍 Love lots.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MorieStories to obsess over. Discover now