Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang kaba ni Marikit. Idagdag pa sa nararamdamang kaba ay ang pagpatak ng ulan. Unti-unti na ring dumidilim, mukhang malakas ang ibubuhos ng ulan. Napailing si Marikit. Dahil sa sobrang traffic ay inabot siya nang isang oras bago makalabas ng SLEX. Kunsabagay wala namang dapat ibang sisihin kundi siya. She should have left the office earlier and expected the surge of traffiv because it was Friday.
"Bumalik na lang kaya ako," may pag-aalinlangang kausap niya sa sarili. Napangiwi siya. Kung naririnig siya ng kanyang nanay nalamang makatikim siya ng sermon. Ayaw kasi ng kanyang Mama na urong-sulong kapag aalis. Mapamahiin ang mother dear niya. Ayon dito kapag daw nagdadalawang-isip ka sa isang lakad may puwersang pumipigil para huwag kang mapahamak sa napipintong lakad. Well, iyon naman ay pamahiin lamang ng mama ni Marikit.
Napabuntong-hininga si Marikit and tapped the steering wheel. Bago pa siya makapagdesisyong lumiko sa unang U-turn na kanyang makikita ay tumunog na ang kanyang cellphone. She snickered. It was none other than her best friend. Ikinabit niya sa tenga ang bluetooth headset bago iyon sagutin.
"Hello, Tina."
"Kit! Ano na? Nasaan ka na?"
She smiled. "Ayos, ah. Walang hello-hello."
Tina just ignored her side comment.
"Eh, ano na nga? Nasaan ka na?"
"Edi nasa daan pa."
"Papunta dito sa Batangas o pabalik ng Manila?"
Malakas talaga ang radar ni Tina. At sigurado siyang nakataas pa ang kilay nito while asking her the question.
"Papunta diyan sa venue ng reunion. Okay na po, Madam?"
"Very good."
Marikit chuckled.
"Actually, parang gusto ko na ngang bumalik kanina. Ang dami ko pa kasing dapat gawin."
"Alam ko. Kaya nga tinawagan na kita. Kilalang-kilala ko na ang takbo ng utak mo. Bago pa nga kita mapilit umattend ng high school reunion na ito, hindi ba? Traffic ba? Nasaan ka na nga ulit?"
"Kalalagpas ko lang ng Batulao. Inabutan ako kanina ng traffic sa may SLEX, eh."
Pumalatak si Tina. "Kulit mo kasi. Sabi na sa 'yo sumabay ka na lang sa akin. Dapat nag-leave ka na rin today. Umuulan na dito."
Hindi niya pinansin ang paninisi ng best friend. "Tumatanggap ka naman siguro ng sorry, ano?" Biro niya dito. Her best friend just chuckled.
Unti-unti nang lumalakas ang ulan kaya naman mas binagalan niya ang pagmamaneho. Mahirap na, madulas ang kalsada at mas mabuti na ang nag-iingat. Naririnig niya ang kaguluhan sa kabilang linya ng telepono. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ni Marikit. Peste!
She cleared her throat. "Marami na kayo diyan?" Pipi niyang naidasal na huwag mahalata nito ang magkahalong kaba at anticipation sa boses niya.
"Medyo. Pero nasa biyahe na rin yung iba."
"Ah, okay."
"May gusto ka pang itanong?" May himig panunukso sa boses ni Tina.
Hindi napigilan ni Marikit ang pagsimangot. "Wala na. Sige na, ako na lang ang tatawag sa 'yo mamaya kapag malapit na ako sa Lian."
Tina giggled. "Nandito na rin si Lancelot."
Ayun na nga hindi rin nagpapigil ang bruha.
"Care ko." And yes, she sounded defensive now.
"Asus! Marikit, I'm your bestfriend. You can be honest with me. Hindi kita iju-judge, promise."
She rolled her eyes. Parang nakikini-kinita na niya ang tuksuhang magaganap sa reunion na iyon. At iyon ang iniiwasan talaga niya. Hindi siya komportableng nalalagay sa hot seat.
"Issue ka rin, eh, 'no."
"Ang pogi ni Lancelot ngayon, 'teh!" Obviously, ipu-push ni Tina ang subject na iyon kahit anong iwas niya. Tina has always been the biggest fan of their love team, meaning hers and Lanncelot. Mas hindi pa nga yata ito naka-move on sa kanya nang maghiwalay sila ni Lancelot almost ten years ago.
"Tantanan mo 'yan. At huwag na huwag mong--" Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay namatay na ang makina ng kanyang sasakyan. "Shit!"
She tried to restart it pero umubo-ubo lang ang makina ng kanyang kotse. Malayo yata sa pagstart.
"O, bakit? Ano'ng nangyari?"
Jusko! Ano bang kamalasan ang hatid ng high school reunion na ito sa akin? Totoo nga yata ang pamahiin ni Mother.
Sinubukan ulit niyang i-restart pero wala pa ring nangyari. She groaned. "Namatay ang makina ng kotse ko. Ayaw mag-start."
"What?! Teka, nasaan ka na? Safe ba 'yang nahintuan mo? Oh, my God! Teka, sandali lang!"
Sa kabila nang kamalasan ay hindi niya napigilang mapangiti. Bakit ba niya nakalimutang reyna ng pagiging nerbiyosa si Tina. Her best friend would panic even with the slightest thing.
"Tina, ako ang nasiraan at hindi ikaw. Kumalma ka nga. Ita-try ko ulit muna i-restart. Pero baka p'wedeng may mapakiusapan ka diyan na puntahan ako dito. Malapit na ako sa Palico.
"Sige, sige. May balat ka yata sa puwet, Kit. Ang malas mo."
Sumimangot siya. The last time she checked makinis ang puwet niya. Walang bahid ng balat. "Hello, kung hindi mo ako pinilit sa reunion na ito wala sana ako sa daan ngayon."
"'Sus, sinisi mo pa ako. For sure sa isang part ng ventricle ng heart mo excited ka. Arte-arte mo lang, ayaw mong aminin."
"Hin--"
"Hindi ako tatanggap nang pag-deny mo. Sige na, stay put ka muna diyan. Mag-lock ka, ha. Huwag ka bababa ng kotse. Huwag kang kakausap ng stranger."
Napailing si Marikit. Ginawa pa talaga siyang bata ni Tina. Buti na lang at malayo ang pagitan nila ng kasunod na sasakyan, maagap iyong nakatigil nang bigla na lang siyang tumirik.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Tina then... "Lancelot!"
Sumalsal ang kaba sa dibdib niya. And before she could even say another word pinagbabaan na siya ni Tina ng cell phone. She grunted.
Ngayon ay mas pinagsisisihan na yata ni Marikit ang pag-attend ng kanilang high school reunion. One month ago dahil sa isang thread sa Facebook ay nagkakantiyawan ng grand reunion ang kanilang section. Buong akala ni Marikit ay magiging plano at drawing lang ang lahat hanggang sa nagulat na lang siyang kinareer talaga ng mga ito ang reunion. Isang dating kaklase na nakapangasawa ng may isang resort sa Lian ang nag-offer na doon na lang ganapin ang reunion. And then the rest was history. Unti-unting nagkaroon ng color ang drawing.
Hindi naman sa ayaw niyang umattend. Ang totoo ay excited din siyang makabalita sa mga nangyari sa buhay ng kanilang mga kaklase bukod sa mga pahapyaw na nababasa at nakikita sa Facebook. It's just that...
Paano iniiwasan mong maungkat ang tungkol sa inyo ni Lancelot. Kantiyaw ng isang parte ng utak ni Marikit.
Ah, si Lancelot. Has it been almost ten years now?
CZYTASZ
Ang Pagbabalikan Ni Lancelot At Marikit
RomansThis is purely fiction and an attempt to write again.
