CHAPTER 1

88 3 0
                                        

OH MY PRINCESS!
--SkyeDems

                         

"Ah Sir, handa na po ang lahat." sabi ng isang event staff kay Marcus. "Mabuti naman. Yung mga bulaklak? Yung mga rose petals okay na ba?" tanong ni Marcus. "Yes Sir." sagot sa kanya. "Okay, basta yung plano natin huh? Pagpasok ng Girlfriend ko sa elevator humanda na kayo. Tapos wag niyo kakalimutan paglabas niya pa lang ng elavator turn off the lights okay?" sabi ni Marcus. "Copy that Sir." sagot sa kanya ng staff. "Ah, Sir Ano po ba ang suot ni Ms Demy?" dagdag pa na tanong ng staff kay Marcus. "Naka blue dress siya.and papunta na raw siya dito. Anytime soon nandito na siya. " sagot ni Marcus.
"Goodluck bro!" sabi ni Nate. "Eto na pinakahihintay mo, tagal mo rin itong pinaghandaan." dagdag pa ni Nate. "Thanks bro! *sighed" sagot ni Marcus.

Si Marcus ay isang kilalang tao. Dahil na rin sa kanyang taglay na kagwapuhan at galing pa siya sa isang mayamang pamilya. Halos lahat ng babae ay patay na patay sa kanya. Sino ba naman ang may ayaw diba? Isang babae lang naman ang kinaiinggitan ng lahat, siya si Demy. Ang kasalukuyang nililigawan ni Marcus. Tinagurian nga silang "Perfect Couple". Si Demy ay isang sikat na modelo kaya siguro bagay na bagay siya kay Marcus. Maganda na siya, sexy pa. Si Demy rin ang first love ni Marcus kung kaya naman ayaw na niya itong pakawalan pa. Nasa kanila na yata ang lahat mayaman, sikat, mahal ng mga tao, maganda at gwapo. Hays *sighed "Kung pwede lang."

Samantala, ako naman pala si Aubrey. Isa akong online writer (isang di kilala at di pinapansing writer). Di man ako sikat pero masaya ako sa ginagawa ko. Kailangan kong magpursigi kasi para makatulong ako sa amin. Kailangan ko magdouble job para may maipadala sa pamilya ko. I lived in a small apartment. Simple lang pero saksi ang apartment ko sa lahat ng paghihirap ko. Nagpupuyat ako sa gabi na gumawa ng kwento at sa umaga naman ay waitress sa isang restaurant.

Kakatanggap ko lang ng sahod ko ngayong araw. Hinati ko ito para maipadala ko sa pamilya ko. Napag-isipan kong bigyan ng award ang sarili ko at nagpasya akong pumunta sa isang Mall.
"Ah, Miss? Magkano to?" tanong ko sa tindera habang hawak hawak ko ang asul na dress. "Eto po ba? 1,850 na lang po yan Maam. Kunin niyo po yan Maam last stock na po yan." sagot sa akin ng tindera. "Ah ganun ba? Sige. Kukunin ko na." sabi ko. "Sandali? Meron po ba kayong fitting room?" tanong ko sa tindera. "Yes Ma'am, dito po." sabay turo niya sa fitting room. Napagdesisyonan kong isuot na ang nabili kong damit para naman kahit papaano maibsan ang pagod ko at makita ang sarili ko na suot suot ang aking pinaghirapan.

"Maganda naman," sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Pagkalabas ko ng fitting ay agad na akong dumiretso sa counter para bayaran ang dress na nabili ko. Pagkalabas ko ay may napansin akong nakapaskil, agad ko itong binasa.. "50% discount?" gulat ko. "Makapunta nga, baka may mabili pa ako sa natitirang budget ko." dagdag ko pa. At agad na nga akong sumakay ng elevator upang magpunta sa 3rd floor Mall. (Tiiiiiinnnngggg! 📢) tunog ng elevator. Pagkalabas ko ay biglang namatay ang mga ilaw. "Ahhhh!" sigaw ko. "Anong nagyayari?" dagdag ko pa. Nagtataka naman ako bakit sumakto pa sa pagdating ko. Kamalasan nga naman oh!

Maya maya pa ay may biglang humablot ng kamay ko at hinila ako sa gitna. Sa gitna na kung saan punong puno ng rose petals at iba pang bulaklak. Napapalibutan kami ng mababangong kandila na siyang nagbibigay lamang ng liwanag sa amin.
"Uhm, babe.... I know this is not the right time, but I don't want to lose you. Alam ko na nung una pa lang kitang nakita ay alam ko na ikaw na nga." sabi sa akin ng isang lalaki na nakaluhod ngayon sa harapan ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya ay alam kong napakagwapo niya. Sa mga boses pa lamang niya na nakakatunaw. "Teka? Totoo ba  ito? Nananaginip ba ako?" bulong ko. At ang kanyang napakalambot na mga kamay kung panaginip to,  ayoko nang magising.

"Can you be my Girlfriend?" tanong niya pa. Kilig na kilig ako sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sino ba naman ang magkakagusto sa akin? Di hamak na isa lamang akong writer. Trabaho at pamilya lang ang mundo ko. At ngayon madadagdagan na ba? Sana ikaw na nga....
"M-m-m-marcuuuuuussss? Aaaanong ibig sabihin nito?" gulat na tanong ni Demy na nasa likod pala namin.

OH MY PRINCESS!Where stories live. Discover now