"Don't mind that panda. Slow down." paalala ni Khen. Tumango ako sa kanya at sumenyas na maghintay. Ako ang may hawak ng bola.

Nasa half court pa ako kaya naman panay ang lakad ko. Si Sean naman ay umaatras lang nasa malapit parin sa harap ko. Tinignan ko ang three point shooter na kinatatayuan ni Sean. Walang awa pa rin ang pang iinis niya sakin hindi ko nalang pinapatulan.

"Witwew! The legs." aniya may kindat pa.

Ngumisi ako sa kanya. Humakbang ako ng isang beses. Akala niya ata isu-shoot ko ang bola pero pinasa ko kay Maverick.

"What? Ganon lang?" dismayado niyang sabi Sean.

Tinawanan ko siya. Sinundan niya ang bola na ngayon ay nilalaro ni Mav sa harap ni Theus. Nawala ang nakakainis na bantay ko at napunta lahat iyon sa may hawak ng bola.

"Last 10 seconds..." sigaw ng announcer.

"Kyaah! Shoot mo na Papa Mav!"

"Ang gwapo talaga ni Maverick!"

"Hindi mas gwapo si Dwen!"

" 6.. 5.. 4..."

"Kyaah! Dwen!"

Dahil naka position na ako nang nilubayan ako ng nababantay sakin. Nang pinasa sakin Mav ang bola.

" 2... 1..  eeeengk!"

Naghiyawan ang buong court. Shoot kasi. 3 points. Malaki ang ngisi ko nang lapitan ako ng mga team mates ko. Nakipag high five sila sakin at pinuri ang ginawa ko.

"Ano yun, Dwen?" natatawang tanong ni Sean na naglalakad palapit samin.

"Ganon yun, Panda." sagot ko sa kanya.

This is just a friendly game. 3 on 3 lang nga kami dahil kulang kami. Busy ang iba naming madalas nakakalaro sa court at kulang naman kami ng isa. Bilang nangyayabang kanina 'tong si Sean e kumampi siya kela Titian. Kilala naman namin sila Titian at schoolmate namin na mga Engineering kaya pumayag din. Ang matalo ay may consequence na haharapin. Dahil dakilang PG at kuripot tong mga kaibigan ko. Ang consequence ng matatalo ay sila ang manglilibre ng pagkain sa loob ng isang linggo sa aming eskwelahan na magsisimula sa lunes. By the way, naging kaibigan ko lang sila dahil sa basketball. Lately, nahihiligan ko ang street basketball, my friends are not fond of it so I played with the other guys. Well, I prepared these boys company rather than girls. Walang arte kasi ang mga lalaki that's why.

At kung sinu-swerte ka nga naman. Makakapag ipon na ako para sa librong gusto ko.

"What a lucky day." ani Mav na abot tenga ang ngiti.

Mas lalong nagwala ang mga babae sa bleacher. Sa sobrang ingay nila hindi na ako makangiti sa mga sinasabi at papuri ng kabilang grupo. Nakalimutan ko kung bakit ako kilala ng mga baliw na babaeng iyon.

"Nice game, dude." ngising-ngisi si Titian na kumindat pa sa mga babae.

"Kyaah!"

"Ang gwapo talaga nila!"

"Lalo na pag nagsasama-sama."

"Akin ka nalang, Sean!"

"Notice me, Dwen!"

"Ang hot mo, Maverick!"

"Marry me, Dwen!"

Luh? Loko yun! Pwede magsuka?

"Wag tayo maingay. Magagalit si Khen!"

"My Dwen!"

Nakasimangot na talaga sa mga sigaw nila. This is too much! Masyado kasi akong dumidikit sa mga pinaka sikat na studyante ng Wilson College.

RETURNWhere stories live. Discover now