"Hey, Morcon!"halos maibuga ko ang laway ko nang marinig ko ang boses n'ya.

"Oh my god! Lawrence and Jay you're so hot!"
"Clifford ang gwapo mo!"
"Liam akin ka na lang!"

Kasama nya sina Jay, Lawrence at Liam. Pinagkakaguluhan sila ng mga kaklase ko as usual kala mo naman mga artista. Ang panget panget kaya ng leader nila!

"Hi Kuya Clifford. Kuya Lawrence. Oppa and Liam."parang nagblush 'tong si Jin ah nung si Liam ang binanggit nya. Aha. I smell something Bebe Jin. Haha.

"Yah. Morcon."

Kelan ba ko titigilan neto sa katatawag ng Morcon sakin? Aish.

"Ano?"nakita kong pinagtatawanan ako nina Jay. Sapakin ko sila e.

"Let's go to H band's private room."naglakad na sya palayo kasunod yung mga kasama nya. Hinila ako ni Jin.

"Ano na naman 'to Clipurdo?"pang aasar ko. Bigla nya akong sinamaan ng tingin bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Tss. Sunget.

Pumasok kami sa private room nila. Puro mga music instruments ang nasa loob. Malamang Catarina! Banda nga e.

"Dyan muna kayo."uupo na sana ako nang bigla nya aking ituro.

"Not you. Follow me."sabay alis.

Sabi ko nga. Bigla naman akong itinulak ni Jin. Minsan napapaisip ako, kaibigan ko ba talaga 'to? Itulak ba naman yung tao. Tumawa si Jin. Lagot to sakin mamaya.

Sinundan ko na lang si yabang. Pumasok ako sa kwartong pinasukan nya tapos sinarado ko ang pinto.

"O bakit?"

"May mga gusto lang akong linawin sa offer ko."

"Okay. Go."

Tumayo sya tapos naglakad. Ano to? Meeting?

"Gusto ko lang malaman mong you'll be my girlfriend for three months and within that months dapat makumbinsi ko sina Mom and Dad na huwag ituloy ang engagement namin ni Rianne. My plan is to introduce you to them, make them believe that we love each other then stop the engagement and then after a month your job is done. That simple. I just don't wanna be engaged to Rianne. I need time to find Sabrina."paliwanag nya.

"So, your plan is to use that three months to find Sabrina without getting engaged to that Rianne? And make your parents believe that I am your girlfriend? That's insane Clifford!"

"Please. I need your help. I have to find Sabrina."

"Sino ba si Sabrina? Tsaka bakit ako yung hinihingian mo ng tulong? Madami namang mas maganda at mas mayaman sakin. Nandyan si Trixie! Si Jane. Si Lyka. Bakit ako?"

"Okay, I'll tell you the truth. It's because you look just like Sabrina."

Literal na napanganga ako sa sinabi nya. Kamukha ko yung Sabrina na sinasabi nya?

"Wag mong sabihing.."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Yes. You're going to pretend that you are Sabrina. While doing that, I'll find her using that three months and then after that, you're free."ngumiti sya. So ganon nga?

"Pa'no kung hindi maniwala ang parents mo na we love each other? Ang hirap kaya nun kasi hindi naman totoo!"sambit ko.

"Basta. Kayang kaya mo na yun."tumawa pa sya. Anong akala neto sakin? Artista?

"Aba. At ako pa? Eh ikaw nga 'tong maraming girls dyan e."natawa sya

"Oo naman ikaw pa. Girls? Wala ako nun. So ano? You'll help me?"

Tss. Liar. Nakita ko nga s'ya nung isang araw niyakap si Lyka e.

"Ano pa nga ba? Edi go na! Mabilis lang naman ang three months e. Basta siguraduhin mong mahahanap mo agad yang si Sabrina mo ha?"

Sa sobrang saya nya nayakap nya ako. Nabigla nga ako e. Hindi ko akalain na ganito sya. Nakakatuwa yung kasayahan nya.

Medyo awkward na kaya humiwalay na kaming dalawa isat isa. Tumikhim sya.

"Sorry. Hehe."kumamot sya sa batok nya.

"Hindi. Okay lang. Yang.. tara na sa labas."lumabas na ako dahil ang init sa loob. Walang electric fan. Pero may aircon naman. Haha. Nevermind.

Pagkabukas ko ng pinto nagtakbuhan yung apat pabalik sa sofa.

"Hoy! Nakikinig kayo sa usapan ng may usapan ah! Haha!"hinabol ko sila.

"Yiiieee.... anong ginagawa nyo ha?"biro ni Jay

"Oo nga Trina. Hihi."singit ni Jin.

"Baliw kayo! Nag uusap lang kami no!"sigaw ko dun sa kambal pero parang lalo silang natuwa.

"Nag uusap ba talaga?"isa pa tong si Lawrence. Kahit kelan talaga 'tong mga 'to. Kung hindi ko lang kaibigan sina Jay at Jin at ex classmate tong si Lawrence baka nabugbog ko na tong mga to. Ang dudumi ng utak e!

"Ayos lang 'yan Trina. It's part of growing up. Haha!"sabat ni Liam. Pati ba naman sya!? Btw, kapitbahay ko sya kaya medyo close kami. Lagi akong nasa kanila e. Haha.

Tumawa na lang kami ng tumawa. Pati si Clifford tumatawa na rin. Haha. Once in a blue moon ko lang makita yan kaya yae na. Mayabang kasi e.

Great PretenderWhere stories live. Discover now