Prologue

404 17 12
                                    

This story is for you Jheduard17

Heto na story niyo ni papa Jake

Hope you like it

Happy reading

C=

*****

Kinakabahan man ay pilit na pinapakalma ni Jhed and sarili. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan dito sa isang sikat na restaurant na ito sa BGC. Pinagpapawisan ang mga palad niya at walang tigil sa pagpintig na mabilis ang puso niya.

Natatakot siya.

Yan ang pangunahing nararamdaman niya ngayon.

Natatakot siyang harapin ang lalaking mahal na niya na kinamumuhian naman siya.

Nawawala ang pagiging maangas niya at palaban kapag ang arkitektong si Jake Cole na ang pinag uusapan. Tumitiklop ang lakas ng loob niya kapag ito na ang kaharap niya. At nawiwindang ang puso niya tignan lang siya nito.

Pero kahit pa ano ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa lalaki ay hinding hindi mabubura noon ang kasalanang nagawa niya dito tatlong taon na ang nakalilipas.

Kasalanang sumira sa maganda nilang samahan.

Kasalanang hindi man niya sinasadya at ginusto ay kailangan niyang tanggapin.

They used to be best of friends.

Magkasangga sa kahit anong bagay.

Magkasamang lumalaban sa mga pamilyang minamanipula sila.

But her love for him ruined everything.

She ruined a beautiful friendship.

And now after three long years nagkaroon siya ng lakas ng loob para harapin ang lalaking ginawan niya ng masama.

Lalong lumakas ang tahip ng puso niya ng makitang naglalakad papasok sa restaurant na iyon si Jake and his cold eyes immediately went to her.

"Calm down Jhed. He's your best friend remember?" Bulong niya sa sarili habang papalapit ang binatang arkitekto sa gawi niya.

For the past three years ay lalong gumanda ang tindig nito. He is handsome before pero parang lalo itong gumwapo sa kanyang paningin.

But his friendly aura is gone. He is now intimidating. Wala na ang ngiting palagi nitong ibinibigay sa kanya, bagkus pagkamuhi ang nakikita niya sa mga mata nito.

Tumayo siya buhat sa pagkakaupo ng tuluyan itong makalapit sa table niya, she extended her right arm for a shake hands pero tinignan lang nito ng masama ang kamay niya kaya naman agad din niyang ibinaba iyon.

"H..hi its b..been a long time. H.how are you?" Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagkakabulol sa harap nito.

Damn it Jhed ilang araw kang nag practice sa harap ng salamin para dito tapos ma bubulol ka lang?

Bulong niya sa sarili.

"I don't have all the time Ms. Munar, sabihin mo na ang gusto mong sabihin dahil mas may mahalaga pa akong appointment kesa dito." Walang emosyong sabi nito bago umupo sa upuaang katapat ng sa kanya.

Okay that hurts. Bulong niya habang paupo sa kanyang upuan.

"Jake.."

"Architect Cole." Malamig na sabi nito sa kanya. "I prefer to be called that way."

"Jake please listen to me." She plead at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa mesa.

Pero ganoon nalang ang gulat niya ng kunin nito ang kamay niya at mariing hinawakan iyon.

Her Life. His Karma.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon