Napangiti si Daddy at hinigpitan nya ang pagkaka-akbay sa akin.

"You know that there'll be no one else who can occupy my heart."

Napangiti ako..

"I know dad. Just in case lang naman."

Pinanood namin si Trish at kuya as they move aroind the dancefloor. They surely make a lovely couple. Haaaaayyy.. ako kaya.. kelan ko kaya makikita ang prince charming ko. Hindi naman na ako naniniwala sa kasabihan na kung successful sa negosyo o career, palpak sa lovelife.. Nasa harapan ko ang ebidensya na kalokohan lang ang kasabihan na yon.

After I graduated from high school, gusto ko sanang samahan si Trish na doon na lang kami mag-aral sa america. I just want to be far away from Austine. Iniisip ko kasi na kapag malayo, mas madali ko syang makalimutan. Unfortunately hindi ako pinayagan ni daddy. He moved mountains nga naman para lang mailipat sa Pilipinas ang base nya tapos ako naman ang aalis... Make sense kaya nag-stay na lang din ako sa Pinas at nag-aral ng business course but at the same time I studied fashion. Then I knew.. that my passion is fashion.

It was so awkward at first dahil parte ng banda ni kuya si Austine. There are times na nagkikita kami, pero todo iwas naman ako sa kanya. That went on for a few months hanggang may nangyari sa pamilya nya. Nalaman ang tungkol sa kanya ng magkabilang pamilya ng mommy at daddy nya. Both families are very powerful at naipit sa gitna si Austine. One day.. he suddenly dissapeared. Kay kuya lang nagpaalam, pero kahit si kuya ay hindi na din nya nalaman kung saan nagpunta si Austine pero ang hula nya ay nagpunta sa ibang bansa. On what specific country? I guess I will never know.

"Dance with your old man?" Inilahad ni daddy ang kamay nya sa akin...

"Of course..." Inilagay ko ang kamay ko sa kamay nya at nagtungo kami sa dancefloor katabi nila kuya.

"Btw, I had the report on your new collection from your distributor... and congratulations.. sold out na naman in one week ang mga designs mo. "

"Wow! 1 week na lang ngayon? That good! Ayun lang... mapipilitan na naman akong mag-isip ng mga bagong designs."

"Kaya mo yan. I'm your number 1 fan."

"Really dad." I said sarcastically.

Natawa sya.

Oh yeah... I became a designer. Fashion is my passion nga e. At first hobby ko lang. Katulad nga ng na-predict ko, na-bore ako sa business add. Kaya habang nag-d-discuss ng kung ano anong numero ang ibang teachers ko... sinasabayan ko ng drawing ng damit sa notebook ko. Then naghanap ako ng pwedeng manahi ng isa sa mga designs. Sabi ko kasi para unique in the world ang suot ko. Unfortunately, hindi ko nagustuhan ang pagkakatahi ng modista, kaya bumili ako ng sariling kong sewing machine at nag-aral akong manahi. I started wearing my own clothes at maraming maaarteng nagtanong kung saan ko nabibili ang mga damit ko. Hindi ko pinaalam sa kanila na ako ang gumagawa ng mga damit ko, instead I put up an online exclusive dress shop at prinomote ko ito sa mga maarte kong mga kaklase. Ang peg, only 1 dress per design. Kaya kung sino man ang makabili ng damit na yon... sya lang ang merong ganon.

Natuwa ako dahil may bumibili talaga! It was soooo cool because I was already earning my own money. Ganon pala ang feelinga kapag kumikita ka na sa sarili mong sikap. Ang sarap ng feeling!

Noong una, mangilan-ngilan lang ang bumibili, mga schoolmates ko lang. Hindi nagtagal, may mga nag-o-order na din na taga ibang school. Hanggang kumalat ang balita. Lumaon, ang dami ng demands! Ang gulat ko, may mga nag-o-order na mga artista at socialites! Feeling ko ang bongga bongga ko! Hindi ko na kinaya yung 1 design 1 dress at nagpakontrata na din ako ng mga dressmakers para gawin ang mga damit. Pero hindi lumalampas ng 20 dresses per design. So masasabing exclusive pa din. Naging very popular ang mga designs ko at ang dami ng gumagaya! This time nangumpisal na ako sa daddy ko sa sideline ko, dahil sya ang alam kong makakatulong sa akin para ma-control yung designs at mapanatiling kong exclusive ang mga damit.

The Heartthrob ProjectHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin