Chapter Twenty-Nine (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

            Lana cried hard and harder. And Dylan's crying with her. Hindi nila alam kung paano patatatagin ang isa't isa ngayon. They were just so down right now.

            They cried together all night while Dylan never let her go. This is the first time that they stayed up all night crying and not making love.

            Kung kailan sa tingin nila ay wala na silang luha pang ilalabas, kapag sinambit na ni Dylan ang pangalan niya ay naiiyak na naman siya. Then, he'll cry again with her.

            Unti-unti nang lumiliwanag sa labas. Parehas pang gising sina Lana at Dylan. Nakaunan siya sa dibdib nito habang ito'y napakahigpit ng yakap sa kanya habang hinahaplos-haplos ang buhok niya.

            Walang nagsasalita. Wala na ring umiiyak.

            Narinig ni Lana ang pagtilaok ng manok at ang huni ng mga ibon. Ngunit, walang dating sa kanya iyon. She was like thrown back in the days where she was the naïve and scared eighteen year-old girl. Her life was black and white once again.

            Sa kaalaman pa lang na bumalik ang sakit niya na nakamamatay, doon pa lang, parang pinatay na siya.

            Bakit ganoon? Kung kailan maganda na ang mga bagay at saka naman papangit?

            "Allana..." tawag ni Dylan sa namamaos na tinig. Tumikhim ito. "What are you scared of?"

            "I'm scared of my children growing up without a m-mom..." Napalunok siya. "I'm scared that I need to leave you..."

            Humugot ito ng malalim na hininga. "Bakit mo iniisip na... n-na mamamatay ka? Hindi mo ba naisip na lumaban para sa mga anak natin... para sa'kin? Para sa sarili mo at sa... sa mga taong nagmamahal sa'yo?"

            Hindi siya nakasagot. She's in her indenial stage—the dark stage where everything is negative.

            Lalaban? Lalaban na naman?

            Paano kung binalik sa kanya ang sakit na iyon dahil, sa panahong iyon, kailangan na talaga niyang mamatay?

            Biglang bumangon si Dylan. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Come with me," buo nitong sabi.

            Sinalubong niya ang mga mata nitong namumula at namamaga dahil sa buong magdamag na pag-iyak kasama siya. "S-Saan tayo pupunta?"

            "May hahanapin tayo."

            Hahanapin? "Anong h-hahanapin?"

            He slowly smiled and reached her hand.

            "Acceptance."

***

NAKAPANGHIHINA. Nakakatakot. At masakit.

Sobrang sakit.

Ngunit, pagkatapos ng isang buong magdamag na pagtangis kasama ang asawang si Lana dahil sa kondisyon nito, oras na para kay Dylan upang maging lakas nito

It's time to hide all his fears and worries. This is the time to be strong for her. To show how much he'll support his wife no matter what will happen.

It's time to fight, to have faith, to hope for the best... And tell Lana how much he'll love her like what he promised...

Beyond ends.

Napasulyap siya kay Lana na tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse nila. Walang ekspresyon ang mukha nito. Diretso at blanko ang tingin sa labas.

Making Love - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon