Ang Aking Manliligaw

482 7 0
                                    

Si Angela ay nag-iisa anak ng kanya mga magulang.kaya lahat ng layaw niya ay nasusunod lalo pa nasa ibang bansa nagtratrabaho ang kanyang Ama kaya ang kanyang Ina ang kasa-kasama niya.

Lumaki si Angela mahiyain at hindi palakaibigan kaya lagi siya nasa kanila bahay at madalas kalaro niya lang ang sarili niya kahit nabahala ang kanyang Ina na makalakihan ito ni Angela na maging ilag sa tao..

Mabait na bata si Angela at malambing sa edad na walong taong gulang naaasahan na rin siya ng kanyang Ina sa mga madaling gawain bahay at hindi siya pasaway madalas lagi lang ito nasa kwarto niya at doon lage naglalaro...

Ngunit isang araw nagtataka ang kanyang Ina bakit ito tawa ng tawa sa loob ng kanyang silid alam niya wala naman ito kasama sa loob ng kwatro kaya paano ito magkakaroon ng kausap.

Kaya kinatok niya ang pinto upang malaman kung sino ba ung kausap nito sa loob...

"Angela!!Angela!!" Sigaw ng nanay ni Angela habang kumakatok sa silid ng bata

"Anak buksan mo naman ang pinto,sino kasama mo dyan?"tanong ng kanyang ina

Binuksan naman ng bata ang pinto at agad pumasok ang Ginang upang makita kung sino kausap ng kanyang anak.

"Mama bakit po may problema po ba?"inosenteng tanong ni Angela kanyang ina

"Anak may kausap ka ba?bakit ba tawa ka ng tawa ka anak wala ka naman kasama dito kwarto mo?"pagtataka tanong niya sa kanyang anak

"Mama nakakatawa kasi ito si Lou,naglalaro lang po kami."nakangiting sabi ni Angela

"Lou?sinong Lou Angela?,wala ka naman kasama dito anak kaya papaano ka magkakaroon ng kalaro?"tanong niya kay Angela

"Umalis na siya Mama,natakot po yata sa inyo,baka daw po kasi magalit po kayo sa kanya."pagpapaliwanag ni Angela.

"Angela di ba sabi ko sayo ayaw ko ng batang sinungaling,kaya papaano ka magkakaroon ng kalaro dyan sa kwarto mo,wala naman ako nakita pumasok dito,Angela wag ka mag imbento ng kung anu-ano at ung Lou sinasabi mo ayun ba mga napapanuod mo sa tv,anak wag ka masyado manuod ng kung anu-ano ah."sermon niya kay Angela

"Mama hindi po ako nagsisinungaling ,may kalaro po ako dito kanina at saka po kaibigan ko po si Lou,hindi ninyo lang po siya nakita kasi natakot po siya sa inyo Mama,promise po Mama hindi po ako nagsisinungaling."mangiyak-ngiyak sabi ni Angela sa Mama niya

"Angela di ba ayaw ni Mama ng sinungaling,kaya magsabi ka ng totoo!"

"Mama nagsasabi po ako ng totoo!! Wag po kayo magalit sa akin!!"tuluyan na humagulgol ang bata

"Tahan na anak naniniwala na ako sayo,pagpasensyahan mo na si Mama,basta anak sabihin mo kay Mama kapag nandyan iyong kaibigan na sinasabi mo anak ah."bilin nito sa anak at niyakap ito

"Opo Mama ipapakilala ko po kayo sa kanya."pangako naman ng bata

Kahit medyo natatakot ang Ginang kung totoo ba na may kaibigan ang kanyang anak nahihiwagaan ito kung totoo dahil imposible naman magkaroon ng ibang tao sa kwarto ng kanyang anak dahil wala naman siya nakita ibang tao pumasok doon.

Ganunpaman pinagwalang bahala na lamang ito ng ginang sa pag-aakala niya imaginary friend lang iyon ng bata.

Ngunit isang gabi nasagot na lahat ng katanungan ng ginang sa kaibigan tinatawag ng kanyang anak.

"Angela! Nasan ka ba kakain na."tawag ng ginang sa kanyang anak

Ilan beses tinawag ng Ginang ang kanyang anak ngunit walang Angela ang bumaba

"Angela bumaba kana dito,gusto mo ba magalit si Mama,Anak."sigaw ulit ng ginang ngunit wala parin si Angela.

Napagdesisyunan ng Ginang umakyat sa kwarto ni Angela dahil nag-aalala na rin kung bakit di tumutugon si Angela

PHILIPPINE HAUNTED STORIESWhere stories live. Discover now