Mga barkada sa ngayon?

122 2 1
                                        

OKAY NA YAN!

“Life without friends is a life watsed” Aba ewan, kung ako tatanungin, dapat “Life without TRUE friends is a life wasted” Kasi magkakaroon ka ng madaming  kaibigan bago mo masabi kung sino sa kanila yung totoo. Yung mga barkada ngayon? Yung mga kabataan na lagi naka-porma? Tapos tatambay sa mga fast food chain, wala namang bibilhin? Hindi pagkakaibigan tawag dun. Ang tawag dun pagpapa-FAMOUS. Pero sa totoo lang ah, ano ngayon kung kilala ka, ano ngayon kung kalat pangalan mo? Maipagmamalaki mo ba yan sa magulang mo? Eh ano kung lagpas 2k ang followers mo sa facebook at twitter, lahat ba yan sigurado kang bibisita sayo sa ospital pag may cancer ka? A-attend kaya lahat yan sa burol mo? Sigurado ka bang lahat yan KAIBIGAN MO? Makakatulong ba sila sa pag-aaral mo? Hindi diba? Gusto mo lang talaga makilala, kaya nagpapapansin ka. Nagpaparami ka ng connections. Pero pag may problema ka, namimili ka sa kanila kung sino dapat tawagan, kung sino dapat sabihan kung kanino ka pwede magsabi at maglabas ng loob. Eh kung totoo  yang mga yan bakit kailangan mo pa mamili? Bakit kailangan mo pa isipin kung sino sa kanila? Minsan nga wala ka pang maisip diba? Hindi naman sa nilalahat ko pero KARAMIHAN diba. Yung  mga nakatambay sa fastfood chains na nag-aabang ng makakakilalang bago makaka-acquiantance na bago tapos magpaparty, oh pag-uwi mo nasan sila? Dun kanya-kanya na. Anong tawag sa mga taong ganyan? Kasama mo lang pag masaya, di ka kilala kapag walang party, kapag walang alak. Nako, kung ganyan ang mga kaibigan na pipiliin mo, baka isang araw  magulat ka na lang di ka na nila kilala. Kaya abot langit ang saludo ko sa mga kaibigan ko, sa barkada ko, sa tropa ko, sa mga TUNAY. Kasi kahit gaano kami katagal hindi nagkita walang magbabago, kahit lumipat yung isa o may naging busy man, may mga umalis saglit. Hindi mawawala yung higpit ng pag-aalala at pagka-miss sa isa’t isa. Parang hindi nagkahiwalay ng matagal. Sila yung mga tao na panghahawakan ko. Marami akong naging tropa, barkada, pero sa lahat ng naging BARKADA ko. Sila yung pinaka matagal. Naka-graduate na kami ng high school. Iba-iba na kaami ng universities at colleges, iba iba na schedule namin  pero hindi pwedeng wala kaming pagkikita sa isang bwan. Korni man, pero nangako kami na lagi dapat magkikita. Parang mag-jowa din ang friendship, kailangan ng communication ng commitnent at ng love. Hindi man kami yung tipong  nag-I I love you. Hindi man kami yung nag aakbayan, pero di kami nagiiwanan maipagmamalaki ko yan. Hindi namin kailangan pumorma, hindi namin kailangan pumarty, hindi namin kailangan ng alak, ng pera, ng maraming kasama, hindi namin kailangan ng kahit na ano. Ewan sa sobrang simple ng pagkakaibigan namin kahit isang picture ata na kumpleto kami wala. Basta magkakasama kami OKAY NA. Kahit saan mo kami ilagay basta kumpleto o kahit hindi kumpleto OKAY NA. Kahit saan, kahit anong itsura namin, may pera man o wala. Basta nanjan sila, OKAY NA.

“Tara punta tayo kila ano”

“Teka di pa ko naliligo saka wala kong pera”

“Tanga OKAY NA YAN! kelan natin kinailangan ng pera!? Saka yang amoy mo? Sanay na ko bobo!”

Matapos man tong barkadahan na to, alam ko na hinidng hindi kami magkakalimutan. Tumanda man, nandito lang kami para sa isa't isa, weird man pero may pangarap na kami ng kasama isa't isa. At least may pinanghahawakan diba? Di ko alam pero pag tinantanong ako tungkol sa kanila I just can’t help but smile. Masasabi ko na sa dinami dami ng mga kabataan ngayon na kung saan saan mo makikitang nakaporma, nakatambay at kung ano anong napagkakaabalahan. Proud ako sabihin na kahit ganito lang ang baba ng trip namin mas masaya kami, mas TUNAY kami mas TOTOO  kami at mas mag TATAGAL ang barkada kong to. Hindi kami emosyonal hindi kami mamateryal, di kami mapera, di kami sikat at di kami kakaiba. Pero mas malalim yung pundasyon namin. Kahit wala kaming ganito at yung barkada mo meron, mapapatunayan ko sayo hindi namin kailangan ng kahit na ano para sumaya. Kahit saan, kahit kailan, kahit ganyan ka lang. OKAY NA YAN. TUNAY KA NAMAN EH, TUNAY NAMAN TAYO EH :D 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga barkada sa ngayon?Where stories live. Discover now