Concert

19 1 2
                                        

"Kyaaahhh! Shiloah! Shiloah! Shiloah!!"

"Whaaaa! Vay akin ka nalang!!!"

"Jeon!!! Baby koo!!"

"Whooo!! Go Mon!"

Yan.... yan ang mga naririnig ko sa labas ng bahay! Jusmio!

Ay BTW ako si Demi Reyes. 18 years old. Nakatira sa isang bahay na malapit sa isang kilalang restaurant na nagngangalang "BangYeon Restaurant" kung saan ko maririnig ang mga tilian ng mga babae kada gabi. At ngayon na may concert ang grupong "Yeondan", hindi nanaman ako makakatulog nang maayos.

Ginawa ko na ang lahat para makatulog pero... hinde eh. Ayaw nila kasi akong patulugin. Ang lakas lakas ng mga speakers. Sumilip ako sa bintana at nakakita ako ng isang lalakeng may kagwapuhan naman, maputi parang exported na unggoy, matangos ang ilong at magaling mag rap!

"Shiloah! Shiloah!"

Shiloah? Galing ng name niya ah. Yun kaya ang pangalan ng exported na yun?

My next move is lumabas ako ng bahay para makita ang Yeondan at para makita si Unggoy. Hehehehehe.

So ayun, nakita ko siya, harap harapan. Sabihin ko lang sa inyo ha..... ANG GWAPO NIYA!!!! Ay e-este magaling siyang mag rap. Hihihihihi. At natapos ang kanilang concert. Oo concert dahil medyo may kalakihan tong restaurant na to eh.

"Magandang gabi sa inyo!" Sabi ng-

"Si Vay!!" Sabi nung babae na nasa gilid ko

Ah so siya si Vay.

"Salamat sa pagpunta niyo dito" sabi niya

"Na appeciate namin yun" sabi nung lalaki na umagaw sa mic na hinahawakan ni Vay

"Ah ate sino yung nagsasalita?" Tanong ko sa babae na nasa tabi ko

"Siya si Jeon, hindi mo alam?"

"A-ah hindi eh." Sabi ko at tumango nalang siya.

At bigla nalang....

"Kyaaahh!! Shiloah!" Sabi nung mga tao. Kinilabutan ako nung nakita kong bumaba nang stage si Shiloah. Ano kaya gagawin nun?

To be continued...

A/N: Guysseu! Thank you for reading this chapter! I hope you like it. And by the way... mag u-update pa ako bukas!
Stay tuned!
~Sayonara

Spring Day Where stories live. Discover now