The Good News

1.9K 25 1
                                    

9:00 am

May courier na tumigil sa harapan ng bahay at bumaba ang isang lalake na may dala dalang sobre at nagdoorbell sa may gate. Ilang sandali lang ay bumukas ang gate, at lumabas ang isang binata. pinapirma siya sa isang papel at kinuha ang sulat sabay nagpasalamat. Masayang pumasok pabalik ng bahay ang binata at sumigaw.

Kuya Djun: "Eto na Pa dumating na!"

tumakbo papunta sa front door

Daddy: "Mabuti naman at dumating na yan. nasan si Vic sigurado akong matutuwa yun."

Sabay tawag naman sa anak niya na nasa taas pa, na babago pa lang bumabangon sa kanyang kama.

Daddy: ...Vic! halika na dito sa baba at mag-almusal na tayo.

Vic: *boses sa taas* Opo! Nandyan na po.

Daddy: "dalian mo at sigurado akong matutuwa ka sa makikita mo."

Agad agad naman nagmadali si Vic at dumiretso sa banyo at naghilamos.

Ara's POV

Himala! aga naman ng sigaw ni Daddy madalas 10:00 pa nya ako ginising kasi ayaw nyang masira ang beauty rest ko. hahaha. Ano naman kaya itong ikakatuwa ko? eto ang tumatakbo sa isip ko habang naghihilamos ako at pagkahilamos ko ay nagpunas ako ng mukha at dahil excited na ko  sinabi ni Daddyow. bumaba na ako

Ara: "Good morning everyone!" bati ko sa kanila habang pababa ng hagdanan at sabay takbo sa dinning room

Ara: "Ano naman yang ikakatuwa ko ha daddy-yow? haha."

Kuya Djun: "Sus! Kunwari ka pa di mo alam!"

Vic: "huh? ano nga kasi yun? Kaya ko nga tinanong di ba? hahaha."

Daddy: *dahan dahan niyang nilalabas ang envelope galing sa likod nya* "Ito ang sigurado kong ikakatuwa mo!" sabay pakita ng envelope.

Totoo ba tong pinakita saken ni daddy, oo envelop lang siya pero nanlaki ang mga mata ko ng  makita ang envelope at sabay talon kay Daddyow.

Vic: "Daddy totoo ba 'to? Oh my GGGG!! Tuloy na tuloy na ko."

Kitang kita nilang dalawa ang sobrang tuwa ko sa natanggap kong mensahe. Madalas text lang o email confirmation ng kung ano mang inapplyan ko ang ikinatutuwa ko pero iba 'to.

Daddy: "sige na anak buksan mo na at ng malaman na din namin laman ng envelope na yan."

Walang ano't ano ay binuksan ko kaagad ito at hindi ko maiwasang ngumiti habang binabasa ito.

Vic: "Congratulations Miss Galang you have been choosen as one of the outstanding Entrepreneurs who will represent your company and we request that you visit us here in Los Angeles California for a convention and orientation. We are looking forward to see you here....."

Hindi ko na ito naituloy at bigla na lang akong nagtatalon sa tuwa habang hawak hawak ko ang sulat. At hindi naman maiwasan ng kapatid at tatay ko na tawanan ako, syempre masaya din sila noh.

Kuya Djun: "oh ano? sabi ko sayo makukuha mo yan eh. Masyado ka kasing nega eh!"

Sabi nya habang naka-akbay siya sakin at ginulo ang buhok ko. Inayos ko naman agad ito sabay sabi...

Vic : "Oo na, oo na, ikaw na nga jan si Mr. Positive KOYA. pero mas excited ako kasi first time ko ito tapos sa US pa di ba?"

Sinabi ko yun habang nakangiti saken si Daddy alam kong proud siya sakin at isa pa baka pag nagtuloy tuloy ito pwede ko ng pauwiin si Mama dito sa Pilipinas para sila naman ni Daddy ang masuklian ko, para sa kanila 'to.

Like Crazy (Ara Galang-Cienne Cruz)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon