First Stage 1

48 0 0
                                        

Hindi ako maganda. Lalong hindi matalino. Wala ding kahanga-hangang talent.

Pero ako ang bida dito sa kwentong 'to.

Nakakakilig.

Nakakainis.

Nakakapikon.

Nakakainlove.

Ang lakas makabipolar 'no?

Samahan mo nalang ako sa kwento ko.

Shall we? :)

----

FIRST STAGE

JAMIE'S POV

Isa akong ulila. Hindi ko alam kung nasaan ang Papa ko, patay naman na ang Mama ko. Pinalaki ako sa probinsya ng Lolo't Lola ko, mga magulang ng namayapa kong ina.

Pilya akong bata noon. Ayun lang ang naaalala ko. Kahit pa isa lang ang kalaro ko, at hindi pa nagsasalita, nagawa kong maging masaya sa mura kong edad.

Ito ako ngayon, handa nang tumuntong sa kolehiyo, sponsored ng butihing uncle ko, kapatid ng mama ko. Mayaman kasi si Tito James. At mabait. Kaya laking pasasalamat ko at nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-aral dito sa Alcala University, sikat daw ito sa Maynila.

"Ready ka na?" tanong ni Tito James. Nakabihis na ako ng uniform na para sa papasukan kong school. Medyo mainit nga itong uniform nila. Bukod sa long sleeves, may coat pa na sobrang kapal. Tapos parang kinulang sa tela 'yung skirt.

"Ready na po." ngiti ko. Binigyan niya ako ng allowance para sa buong linggo. Tapos hinatid ako ng personal driver sa school. Ang yaman talaga.

Labas pa lang ng school nakakamangha na. Mas lalo yung loob. Lahat halos ng nag-uusap na naririnig ko, english speaking. Ang gaganda at ang guguwapo ng mga tao dito. Halatang mayaman lahat.

Hay, halatang naiiba ako.

Hindi naman na mahalaga 'yun. Basta ako, mag-aaral ng mabuti.

Naka enrolled ako sa Elementary Education. Mahilig ako sa bata. At gusto kong magturo talaga bilang propesyon.

Nahanap ko naman agad 'yung building kung saan ang klase ko ngayon sa kabila ng kalakihan ng school na ito.

Habang nasa may corridor ako at hinahanap yung room, sinalubong ako ng lamig.

Centralized aircon pati corridors, kaya pala ang kapal ng uniform nila. Buti nalang pala. Lamigin pa naman ako.

Nakita ko na agad 'yung room ko, pumasok na ako. Mas malamig pala sa mga rooms.

Umupo ako sa likuran, bandang gilid para hindi ako mapansin, pero mukhang mas napansin nila ako.

Ganun ba kahalatang bago lang ako? Nakakailang naman 'yung mga tingin nila.

Sa huli, hinayaan ko nalang 'yung mga tingin nila. Hindi dapat ako magpa-apekto.

May tumabi sa aking lalaki. Matangkad. Maputi siya at gwapo.

Inevitably YouWhere stories live. Discover now