Emotions

17 0 0
                                        

Walong buwan na naging tayo. Sa loob ng walong buwan na iyon,  inubos ko ang lahat lahat na pagmamahal na pwede kong ibigay sayo.  Pati sa sarili ko ay wala nang natira. Ikaw ang itinuring kong buhay ko.  Sayo lang naksalalay yun kaligayahan ko at ikaw yung dahilan ng ngiti ko sa araw-araw.  Ikaw yung laging nandiyan aa tabi ko. Yung parang ikaw nalang yung natitirang rason kung bakit pa ako nabubuhay.

Mahigit apat na buwan na tayong hiwalay.  At sa hindi inaasahan nakahanap kana kaagad ng pamalit sa pwesto ko jn sa puso mo. Parang kinalimutan mo na agad agad yung lahat na pinagsamahan natin samantalang ako, nagkukulong, nagmumukmok at umiiyak. Pero wala kang pakealam kasi nga may bago na. Yung babaeng pinagkatiwalaan ko, siya pala yung jowa mo.

Araw araw nalang ako umiiyak sa kakaisip ng mga sandaling masaya pa tayong dalawa na kung saan hawak hawak pa natin ang kamay ng bawat isa. Sabay tayong tumatakbo, tumatawa at naglalaro. Bakit nga ba tayo naghiwalay Lance?  Kulang pa ba yung binigay kong pagmamahal? 

Hanggang ngayon stalking parin ang status ko.  Araw araw kita iniistalk kaya ayun araw araw din akong nasasaktan kasi palagi kayong magkasama palaging may bagong upload na picture at mga greetings.  Sabay isip na yung pwesto na yan,  ako din dyan NOON.

Hindi ko akalain na sa walong buaan nating pagsasama eh halos katumbas ng isang taon na pagmomove on.  Akala ko nga naka move on na ako talaga pero hindi parin pala.  Nandiyan parin yung kirot at hapdi sa dibdib ko.

Araw araw kitang chinachat.  Kinakamusta kita pero siniseen mo lang. Ang tanga ko lang.  Yung alam ko nang walang pag asa pinagpipilitan ko parin. Hahaha!  Eh kasi naman. Nagbabakasakali lang na baka isang araw mapagtanto mong ako pala ang tunay mong mahal. Nagbabasakali na maibalik pa yung mga alaala na unti unting nabura. Nagbabasakali na baka yung ikaw at ako muling maibalik pa.

Gusto ko lang naman ng closure. Gusto kong maging friends tayo kahit tapos na.  Diba yung ang sabi mo noon Lance, na kahit wala na tayo ay magiginv friends parin tayo kasi sayang yung pinagsamahan yun yung sabi mo.  Pero bakit ganon?  Ikaw yung hindi tumupad.  Ikaw yung hindi tumupad sa sarili mong pinangako.  Eh aala ka pala eh.  Puro ka lang salita. Simula noon pa naman.

3:04 am ng August 31, 2018
Chinat kita. Kasi gusto ko sana maging ok na tayo kahit friends lang kasi sa September 5 na yung anniversary sana natin.  Pero gulat na gulat ako sa naging kalabasan.

MESSENGER

KAYE: HEY!  KAMUSTA NA?

LANCE: EX NA KITA! MAG-ACT KA NAMAN NA EX KO. HINDI YUNG NAGCHACHAT KA PA!  ANO NALANG SASABIHIN NI RONNA?  NA MAY COMMUNICATION PA TAYO? NANINIRA KA LANG NG RELASYON KAYE!

KAYE: AYY?  MASAMA NA PALA NGAYON ANG MANGAMUSTA?  SORRY HA HINDI AKO NA INFORM.

LANCE: JUST SHUT THE F**K UP!

Lance Canela is BLOCKED

Yun na pala yun ngayon?  Bawal mangamusta?  Sakit naman nun.  Ha!  Ha!  Ha!  Nangangamusta naninira na kaagad. Ang saya saya ko promise. Mamatay man.


Kung in relationship ka ngayon at yung edad mo is 14-17 kung pwede mas mahalin mo muna yung sarili mo. Huwag mong idepende yung sarili mo sa taong mahal mo. Dahil sadating na dadating ang araw na maghihiwalay din kayo kasi nga bata pa.  Marami pa ang pwedeng mapagdaanan.  Mas i. Enjoy nyo lang muna yung teenage life. Kasi once ka lang makakadaan sa ganitong stage.  Focus lang muna sa studies.  Pero pwede din naman mag boyfriend for experience lang para kung sa susunod na kung college na, kung yun na ang right time eh hindi ka na magiging duwag. 

Ang galing ko mag advice noh?  Pero hindi ko kayang iapply sa sarili ko.  Hahaha!  Nice!

#keyyyaabii
#Emotions

EMOTIONS (One Shot)Stories to obsess over. Discover now