Tama ba o Mali ? Part 2

27 1 0
                                        

Madami kang pwedeng gawin, madami kang pwedeng unahin, pero hindi lahat kelangan mong gawin at unahin lalo na kapag alam mong di naman nakakatulong ng husto para sayo. gaya ng pagkahumali mo sa love life na di naman sinasabi ng iba ng dapat yan ang unahin mo. di mo lang siguro ngayon naiisip na may mas importante pang dapat unahin kesa dyan. nung dating kabataan pa ng iyong mga magulang ganyan din sila sa nararanasan mo. pinagbabawalan at pinapagalitan din sila ng mga lolo at lola mo. dahil hindi pa nila alam nung mga panahon kung anong hirap ang pagdadaanan mo kapag nagkaroon ka ng Pamilyang wala sa plano. ngayon nagagalit ka sakanila kasi lahat ng kilos mo binabantayan nila. dahil ayaw nila masira ang kinabukasan mo dahil lang sa pansamantalang pagmamahal na nararamdaman mo sa pinapadama nya. nanainisin mo rin ba maranasan kung anong hirap ang pinagdaanan ng magulang mo nung una kang dumating sakanila? kahit sino ayaw makaranas ng hirap sa buhay. ayaw makita ng dalawang mata ng magulang mo kung paano mo itataguyod ang magiging anak mo sa darating na panahon. dahil gasgas man sa pandinig mo ang kasabihang "Pa punta kapa lang, Pabalik na ako" pero totoo naman dahil di mo naman mararanasan ang naranasan ng magulang mo nung sila ay bata palang. pwede mong masumbat lahat ng hinanakit mo sakanila. pero wag mo isumbat sakanila kung bakit gusto nilang mapaganda ang kinabukasan mo. dahil alam mo man sa hindi walang magulang ang gusto mapariwara ang anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tama ba o Mali ? Part 2Where stories live. Discover now