Minsan sa buhay mo , naisip mo ba na sana pagtulog ko hindi na kana magising kinabukasan? Yung tipong iniisip mo na sana kunin kana ng diyos kasi sobrang nasasaktan kana? Sobrang hindi mo na kaya pa?In short pagod kanang mabuhay. Gusto mo nang matulog ng mahimbing,walang pinoproblema,di ka na masasakatan,luluha at makakaramdam ng kahit anong emosyon. Kung ganun lang sana kadali noh'?
Pero kahit anong isip mo ng mga ganon' eto buhay ka pa rin. Kasi binibigyan kapa ng panahon ng diyos para magbago at baguhin yung sarili mo. Sa sobrang makasarili mo, di mo naisip na mahal ka ng diyos kaya binibigyan ka niya ng mga pagsubok sa buhay na alam niya kaya mong malampasan. Kaya mo. Pero ---------------------------------
Mahina yung loob mong lumaban.
Kasi masakit na.
Kasi sobrang sakit na.
Na sa sobrang sakit wala kanang ,
Iisipin pa kundi.
Pagkatalo sa laban na di pa nauumpisahan.
