"Oh, gosh! Ang laki-laki niya na Bibi. Hindi ko man lang siya naranasang kargahin noong sanggol pa siya." Tuluyan na siyang napahikbi. Halata sa mukha niya ang labis na panghihinayang.

"Sshh.. Tahan na love." Niyakap ko siya upang pakalmahin. Pinunasan ko rin ang mga luha niyang naglandasan sa pisnge niya. "Kailangan mong gumaling agad love para makarga mo pa rin siya. Hindi pa huli ang lahat upang makabawi sa mga panahong hindi mo siya nakasama."

"Bibi gusto ko siyang makita. Pwede mo ba siyang papuntahin dito?" Hinalikan ko muna siya sa noo at pagkatapos ay muling niyakap.

"Tingin ko naman ay ready ka nang makilala ang anak mo. Sige tatawagan ko si Kuya Denden para siyang maghatid sa kanya rito."

"Bibi natatakot ako."

"Natatakot saan?"

"Na baka hindi ako kilala ng anak ko."

Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. "No worries love. Excited rin ang anak mo na makilala ang meme niya."

"Bibi gusto kong magpagupit. Ang haba ng buhok ko oh!" Lambing niya sa akin. Kaya napatawa na naman ako.

"Bagay naman sayo love."

"Anong bagay? Mukha na nga yata akong tikbalang sa haba nito."

"Sobra ka naman love. Binabawasan ko naman yan minsan. Para kahit papaano ay hindi ka magmukhang si Rapunzel."

Tawang-tawa siya sa sinabi ko. Bagkus ay biglang napatitig sa mukha ko. "Ang ganda-ganda mo pa rin mahal ko. Wala bang umaligid sayo habang wala ako?"

Pinindot ko ang ilong niya at bigla akong napabungisngis ng tawa. Ang cute niya kasi eh. "Kahit naman may umaligid sa akin ay wala ring kwenta. Kasi my heart is belong with you only."

Napangiti siya at biglang nag-iwas ng tingin na waring kinilig. Ihhh.. Ang cute niya talaga. "Kung sakali bang namatay ako, iibig ka pa sa iba?"

Bigla naman akong napasimangot sa sinabi niya. Dahil kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari ang bagay na iyon sa kanya. "Sa totoo lang love? Hindi ko alam. Kung wala siguro ang anak natin ay baka mas nauna pa akong namatay sayo."

Hinagilap niya ang isa kong kamay at hinawakan niya ng buong higpit. "I'm so sorry mahal ko. Kung nakinig lang siguro ako kina Melvin ay hindi ito nangyari sa akin."

"Walang may gustong mangyari yan sayo love. Kaya huwag mo nang alalahanin pa iyon."

"Si.. si Mang George Bibi? Kamusta si Mang George?" Napalunok ako at hindi malaman kung paano siya sasagutin. Muli ay napahikbi na naman siya ng iyak. "Kasalanan ko.."

"Sshh.. Aksidente ang nangyari love. Huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Nagalit ba ang pamilya niya? Gusto kong humingi ng tawad sa kanila."

"Love it's been four years now. I'm sure nakamove on na sila." I took a deep breath and pulled her closer to my chest. "Daddy did the right thing to do. Hindi niya pinabayaan ang pamilya ni Mang George."

"Bibi hindi ko alam na mangyayari iyon. Ako lang dapat ang uuwi ng Manila eh. Kaso hindi pumayag si Mang George na hindi ako ipagdrive."

"Sshh.. Tahan na love. Dalawin na lang natin si Mang George kapag okay ka na. Hindi mo ginusto ang nangyari. Aksidente lang ang lahat."

Nang medyo kumalma na ito ay pinatulog ko na muna. Hindi pa kasi siya pwedeng ma-stress ng bongga at baka makasama iyon sa kanya.







Althea's POV

Nagising ako sa ingay ng mga taong nagtatawanan habang nagkukwentuhan.

Can't Get Over YouWhere stories live. Discover now