I

6 1 0
                                    


I

MIYAKA

"Miyaka Pauline Kishiwa..."

Tumayo ako ng tuwid at tinahak ang tatlong baitang hagdan ng stage. Ngumiti ako at taas noong hinarap ang prinsipal. Nakasuot ako ng puting toga. Kinamayan ko ang prinsipal at kinuha ang certificate na nagsasabi na nakatapos ako ng high school. Sinuyod ko ng tingin ang hanay ng mga magulang ngunit hindi ko nakita si Mama at Papa.

"Mi..."

Napangiti ako ng kumaway si Ate Sunako. Patakbo akong bumaba ng stage at niyakap si Ate. Kahit paano ay nabawasan ang lungkot na nadarama ko ngayong nandito na si Ate Sunako.

"Congratulations Miks!"

Napatingin ako sa likuran. Nakita ko si Kuya Kyohei na nakangiti sakin. Yumakap ako sa kanya at nagpasalamat.

"Dapat I-celebrate na iyan!"

Nakita ko si Kuya Yuki na nakarock sign sakin. Sa likuran niya ay sina Ate Noi at Kuya Aga. Nagrock sign ako pabalik. Nang matapos ang graduation ceremony ay diretso kami sa isang eat all you can restaurant. Napalasap ako at kahit hindi pa man nagsisimula ay nilantakan ko na agad ang pagkain na nasa harap ko sa isang mahabang lamesa. Nagsitawanan silang lahat. Mas nangingibabaw sa kanila ang halakhak ni Kuya Yuki.

"Kahit kailan... ang lakas mong kumain, Miyaka. Kawawa ang magiging boyfriend mo!" kantyaw ni Kuya Yuki.

Napatigil ako sa aking pagkain. Nakaramdam ako ng paninikip ng lalamunan. Dahil sa hindi pa nadudurog ng mabuti ang nasa bibig ko ay nabulunan ako. Napahawak ako sa aking dibdib at naituro sa kanilang lahat ang pitsel ng tubig na nasa hapag. Agad naman akong binigyan ng tubig ni Ate Sunako. Napangisi si Kuya Aga.

"Siguro... may boyfriend ka na, Miks?" tanong ni Kuya Aga. Napailing ako ng mabilis.

"Sigurado ka, Miyaka?" tanong pa ni Ate Sunako. Napataas ako ng kaliwang kamay. "I swear!"

Napabungisngis si Kuya Yuki at Aga. Mukhang hindi sila naniniwala. May sasabihin pa sana silang hirit kaso nabatukan na sila ni Kuya Kyohei. Nilabas ko ang aking dila at binelatan sila.

"Buti nga sa inyo!"

Matapos kumain ay dumitetso kami sa mall. Pinamili ako ni Ate Sunako at Kuya Kyohei. Si Ate Noi naman kasama ni Kuya Aga ay sa salon at spa nagpunta. Si Kuya Yuki naman ay sa game zone nagtungo.

"Woohooo!" sigaw pa niya sabay palo ng malakas ng hawak niyang mallet. Tumawa kami dahil hindi man lang na wasakang malaking bato sa screen.

"Ang hina mo naman, Kuya!" kantyaw ko.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Tinabig ko siya na nasa harap pa din ng machine at tulala dahil hindi makapaniwala na sa lakas ng palo niya ay hindi niya napagtagumpayan na mahati ng pira-piraso ang bato. Madalas pa naman niyang pinagmamalaki na malakas siya sa lahat. Malakas pa siya sa mga kaibigan niyang sina Kuya Kyohei at Kuya Ranmaru. Napailing ako.

Upang mainis siya at makabawi sa pangbubully niya sakin kanina. Nilislis ko ang manggas ng aking t shirt. Kung yung iba na kapwa ko graduate ay nakapang formal dress at skirt... ako naka t shirt at pantalon. Hindi ko naman akalain na magce-celebrate ako ng aking graduation. Thanks to my Ate's and Kuya's. Kinuha sa kamay ni Kuya Yuki ang gloves at sinuot. Nagbilang sa isip ng hanggang tatlo, buong lakas ang binigay ko nang suntukin ko ang punching bag. Nanlaki ang mga mata ng lahat ng nanood sakin. Slow motion pang nawarak ang bato at lumabas sa screen ang 'knock out'!

"Yes!" sigaw ko. Humarap ako kay Kuya Yuki at muli kong nilabas ang aking dila para muling bumelat. Napailing na lang si Kuya Yukinojo.

"Da best... kawawa ang magpapaiyak sa babaeng ito." Aniya. At lumabas na siya ng game zone. Nagkatinginan na lang kami at napansin ko na nandun na sila Ate Noi at Kuya Aga. Sabay sabay kaming tumawa ng malakas.

KilometroWhere stories live. Discover now