"Okay, we will have to vote for the two undecided booth." Isinulat ni President ang word na 'Marriage' at 'Horror'.

"Who is in favor of Marriage booth? Please raise your hand." Nagsitaasan naman ang mga babae. Puro babae lang ang nakataas, binilang ito ni President at isinulat sa board. "Who is in favor of the Horror booth?" Nagsitaasan naman ang mga lalaki, including me. Masyadong romantic at clingy ang Marriage booth. Mas maganda ang Horror booth, may thrill. Binilang uli ito ng President at isinulat sa board.

Nagkaroon ng violent reaction ng malaman ang pinakamataas na boto.

"President bakit ganun? Nagbilang din ako pero 25 lang din ang nabilang ko, pero bakit naging 26 nung sinulat mo?" Reklamo ng kaklase ko.

"Oh that? Simple, I also voted." Ang daming nag-grunt matapos nyang sabihin nito.

Siniko naman ako ng katabi kong  si Crisha. "As expected from you. You don't want that kind of booth." I only smiled on her as respond. Tumingin uli ako sa board para makita ang resulta.

Marriage booth- 25
Horror booth- 26

"Its time to plan the booth." Binura ni President and nakasulat sa board at isinulat ang 'Horror booth' sa bandang taas ng black board.

"Tipikal na kapag Horror ay madalim. Kaya balak kong magdala bukas ng makakapal na itim na kurtina para maging madalim ang ating room." Suhestiyon ng aking katabi with matching taas pa ng kamay. Tumango si President at inilagay ito sa board.

"Meron kaming mga kagamitan para magamit bukas. Ginamit namin yun nung Halloween." Sabi nung kaklase ko. Tumaas din ako ng kamay. "I can include our Halloween decor for tomorrow. The more the scarier." Tumango tango sya at nagsulat sa board. Nagsuggest pa ang mga kaklase ko na kung ano-ano. Kada-suggest ay isinusulat sa President.

So its settled then.

-Horror Booth-

1. Black thick curtains
2. Scary decors
3. Plywoods
4. Paints
5. Make ups
6. Costumes
7. Lightning effects
8. Sound effects

Pagkatapos ng pagpupulong ay nagsialisan ang mga lalaki including President. Bibili daw kasi sila ng plywoods at iba pang kahoy. Papunta naman ako sa storage room kasama si Crisha at sina Angelia. Pinapunta kami dito ni Sir Ryan para kunin ang mga pako at martilyo. Nakarating na kami sa ground floor. Pumunta kami sa bandang likod ng building at nakita namin ang storage room. Binuksan ko ito at hinanap ko agad ang mga pako. Parang kasing laki ng isang room ang storage room. Naghiwa-hiwalay kami para madaling makita ang hinahanap namin.

Ay tanga. -_-

Paano kami makakahanap ng ayos e ang dilim? Mga abno lang noh?

"Ellan pa bukas nga ng ilaw." Nasa pinto kasi sya at nakita kong malapit lang doon ang switch. Binuksan naman nya ito at nagliwanag ang buong paligid. Hindi ko mahanap ang mga pako. Luminga ako sa likod ko dahil may shelf pa doon. Nakita ko naman agad ang isang aluminum bucket. Maliit lang ito pero nung binuhat ko ay nasa isang kilo and bigat. Out of curiosity, I twisted the lid of the bucket.

Oh, eto na pala eh. Pinahirapan pa akong maghanap. Isinarado ko na uli ang lid at binuhat ito.

"Nakita ko na ang mga martilyo! Ilan ang kukunin ko?!"Narinig kong sigaw ni Crisha sa kabilang aisle. "Mga sampu siguro." Magkasabay kami ni Phiel na pumunta sa pinto. Sumunod si Angelia na may dala-dalang dalawang metro at lagari. Yung ginagamit ng mga karpintero kapag sumusukat ng kung ano. Ang kahuli-hulihan naman ay si Crisha. Halatang hirap sya sa pagdadala kaya kinuha ni Ellan ang lima para tulungan sya. Umalis na kami at nagpunta sa room. Naabutan  namin ang mga kaklase naming babae na inilalabas lahat ng desk at upuan. Patong-patong ito sa corridor at nakasandal sa bintana para may dadaanan. Pumasok kami sa room. Bakanteng-bakante dahil walang mga gamit na nakalagay dun. Ibinaba namin ang dala-dala naming gamit. Saktong dating naman ng mga kaklase kong lalaki na may dala-dalang malalaking plywood. Sinukatan muna nila ang room at inilista ito sa black board. Buti na lang at malaki 'tong room namin. Umalis na si Sir Ryan, hahayaan na nya daw kami since bawal daw silang mangialam sa gagawing booth ng mga estudyante.

Nakita kong tinanggal ni President ang vest, neckneck tie at long sleeve polo nya. Ang naiwan na lang ay ang puting sando na suot suot nya. Kitang kita tuloy ang biceps nya at halata ang pagkakahubog ng katawan.

-//////-

Ganun din ang ginawa ng mga kaklase kong lalaki. And I must say, may ibubuga din sila. Nagsimula na silang putulin ang mga kahoy at plywood. Tapos na kasi  sukatin ang dapat sukatin. Tinanggal ko ang vest at neck tie ko. Inililis ko hanggang siko ang long sleeve ng blouse ko. Tumulong ako sa mga lalaking nagpupukpok, tatanggi pa sila pero I insist.


Inabot na kami ng 5:00 pm ng hapon. Naka-pwesto lahat ng nagsisilbing mga dingding. Nagsilbing maze ang aming classroom para may pasikot-sikot. Kasing taas ito ng aming black board. Linis na rin ang mga kalat na kanina ay puro putol na kahoy.


"Wag na kayong mag-uniform bukas. Magsibilyan na lang kayo. Marami pa tayong gagawin bukas. Make sure before 6:00 ay nandito na kayo." Tumango kami at nagsilabasan na. Nagpaalam kami sa isa't-isa and we parted ways.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now