Naupo sila sa rattan na kanape at dinalhan sila ng manang ng dalawang baso ng maiinom at yema. "Malamang naglalaro na naman yon ng basketball. Pagka-init init hindi natitinag yang mga yan! Wag ka nang magulat kung napaka-itim na ng dalawang yon."

Natawa naman si Ana sa pag-iisip sa pinsan niyang si Vhong na maitim. "Pag nagka-dandruff yung mga yon sige sila."

Hindi nagtagal ay narinig nila ang maiingay na tawanan ng mga binata sa labas ng bahay at ang pagtalbog ng bola. Nagkatinginan silang dalawa at dali-daling nagtago sa likod ng pinto upang gulatin ang mga paparating.

"Ana! Kulot!" pagtawag ng isang malalim na boses na hula ni Ana ay si Billy. Ito naman ang mahilig mang-asar sa kulot niyang buhok.

"Manang, nasaan ba yung dalawang yun? Nasa bakuran ba?" tanong naman ng isa pang binata, si Vhong. Napangiti nalang si Ana nang mapagtanto niya kung gaano na siya nangungulila sa mga pinsan niyang kahit mas bata sakanya ay tinuturing niyang mga kuya.

Lumabas si Ana mula sa likod ng pinto at niyakap mula sa likod ang binatang basang-basa ang damit sa pawis. Hindi naman mahalaga sakanya kung si Vhong yon o si Billy. "Huy namiss kita!" sabi pa nito at mas hinigpitan lalo ang pagkakayakap.

Nagtaka naman siya nang hindi man lang pumalag sa pagkakayakap ang pinsan na lagi naman nilang ginagawa nang makiliti nila si Ana pabalik. Dumilat siya at laking gulat niya nang makita sina Anne, Vhong, at Billy na nakanganga at nakatitig lang sakanya. Aba e sino ito?

Agad-agad siyang lumayo at napayuko sa hiya, ganoon din ang hindi kilalang binata. "Hala pasensya ka na." pabulong na sambit ni Ana at nagtago sa likod ni Anne na ngayon ay humahagikhik na kasabay ng mga kapatid niya. Tinignan naman sila ng pulang-pulang si Ana ng masama at inirapan.

"Ayan kasi ang kulit kulit mo!" natatawa paring sabi ni Billy at kinurot sa pisngi si Ana. "Huy, anong nangyari sayo dyan?" tanong nito sa binatang kasama nilang pumasok at tinapik ito sa braso.

"Ah-ah wala." utal-utal nitong sambit, hindi makatingin kay Ana.

"Ana, hindi mo na siguro siya matandaan pero kalaro natin 'to nung huling uwi mo dito sa La Union. Si Jose? Naaalala mo pa ba?" pagpapakilala sakanilang dalawa ni Vhong habang nakaakbay ito kay Jose.

Napa-tango nalang si Ana kahit hindi naman niya talaga maalala kung sino ang binata at dahil hiyang-hiya parin talaga siya sa nagawa niya kanina.

"Doon na muna tayo sa kwarto ko Ana, maliligo muna yang mga yan bago sila lumapit sa atin. Hindi ba?" singit naman ni Anne at hinatak na si Ana na pinagpapasalamat naman nito dahil sa wakas ay matatapos na ang nakaka-ilang na sitwasyon.

Umiling-iling naman si Vhong. "Hindi pwede mapapasma kami! Ang aarte niyo!"

Dumila lang ang dalawang dalaga at tuluyan na silang iniwan.

~

"Pinilit ko nga lang sina mama na agahan ang pagpunta dito para makahabol kami sa fiesta. Sana nga umuuwi nalang kami kada bakasyon dito e, nakakabagot talaga sa Manila." sabi ni Ana habang may yakap yakap na unan.

"Pero lahat ng nasa probinsya, gustong tumira sa Manila no? E mas masaya naman dito." sagot naman ni Anne at nilakasan ang bentilador dahil sa sobrang init.

Tumango-tango si Ana, halatang inaantok na dahil narin sa haba ng kanilang byahe ngunit ayaw naman niyang tulugan nalang agad ang mga pinsan nang hindi man lang sila nakakausap ng matagal.

"Ano namang balita sayo? Magkwento ka naman." pagpupumilit ni Anne habang marahan pang niyuyugyog ang braso ni Ana.

"Ano ka ba, e wala pang isang buwan nung huli tayong nagkita ah? Ano namang maikekwento ko?" natatawang sagot niya at hinampas ang pinsan sa hita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Half-truths | Vicerylle OneshotsWhere stories live. Discover now