Prologue

7 0 0
                                        

Matalik na magkaibigan sina Lordes at Marites. Simula bata pa lang sila ay lagi na silang magkasama, sa hirap man or sa ginhawa. Sa sobrang close nga nila ay di na nila pinapayagan ang ibang mga tao na maging parte ng kanilang pagkakaibigan. Sila lang kasi raw ang nakakaintindi sa isa't isa at sila lang din daw ang palaging nandiyan kung may kailangan man o may problema ang isa sa kanila. Tila magkakambal na nga raw sila kung tutuosin.

Pero sa totoo lang, magkaibang magkaiba silang dalawa. Mayaman si Lordes samantalang katulong sa bahay nila ang ina ni Marites. Medyo may pagkamasungit si Marites (pero mabait pa rin naman) samantalang malumanay naman ang galawan ni Lordes. Mas matalino rin si Lordes kumpara kay Marites. Ngunit hindi naging hadlang ang mga pagkakaibang iyon para maging magkaibigan sila, na lalo pang pinatatag sa tuwing tinutulungan nila ang isa't isa sa mga problema, partikular na sa pag-ibig. Sa kanilang dalawa ay si Lordes din ang tila mayaman at lapitin sa lalaki. Ngunit sa reyalidad ay wala talaga siyang mapili sa mga nanliligaw sa kanya dahil ang totoo, isang lalaki lang ang nagpapatibok ng puso niya at iyon ay walang iba kundi si Ador, ang kasintahan ni Marites. Matagal niya itong itinago sa kaibigan pero habang tumatagal ang kanyang pagkimkim nito't sa tuwing makikita niya kung gaano kamahal nina Ador at Marites ang isa't isa, ay namumuo ang selos at galit sa puso niya. Mas maganda naman siya kesa sa kaibigan niya, mas mayaman, mas matalino, mas sikat. . .isa pa, mas kaya niyang iahun ang pamilya ni Ador sa kahirapan kumpara kay Marites, pero bakit tila si Marites lang ang nakikita ng taong mahal niya?

Hindi nagtagal ay sumabog na ang selos sa kanyang buong katawan na naging dahilan upang makagawa siya ng isang 'di kaaya-ayang bagay. Inakit niya si Ador, nilasing at ginawa ang gusto niya rito. Umukit siya ng kasalanang alam niyang bubuwag sa relasyon nilang magkaibigan ngunit bubuo sa kaligayahang matagal na niyang inaasam. Nang sumunod na araw at nagising na silang dalawa, ay laking gulat ni Ador. Mas lumala pa ang gulat niya nang biglang pumasok si Marites sa kwarto ni Lordes, bilang magkaibigan nga ang dalawa, at iyon ang naging dahilan kung bakit nagwakas ang pagkakaibigang Lordes at Marites na magpapatuloy sa susunod na henerasyon na gagampanan ng kanilang mga anak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KanlunganStories to obsess over. Discover now