SOYS - 1

2.1K 48 5
                                    

Jelli Pov

"Jelli ang ganda ganda mo naman!"

"Idol na kita!"

"Bagay talaga sayo Jelli ang kantang Neseye ne Eng Lehet~~"

Natawa ako dun sa huling nagsalita... Kantahin pa talaga.

"Naku wala pa sakin ang lahat no." pagandang sabi ko. Pahumble lang.

"Hindi kaya! Nasayo na nga tignan mo,

ganda, Check ✔

talino, Check✔

Ugali, Check✔

at higit sa lahat popular ka! Nako ikaw na talaga!" Tili ng isang babaeng sumingit. Kilala ko ito, classmate ko to noong 1st year.

"Hindi naman." nginitian ko sila ng kayganda-ganda. A billionaire smile. Kasabay ko maglakad ang mga 'fans' ko papuntang classroom namin. Ewan ko ba sa mga ito. Pinahihirapan pa ang mga sarili maihatid lamang ako.

Minsan mahirap din maging maganda. Palaging kang napapansin. Maging ang bawat galaw mo kailangang tutukan.

But it's okay. I can handle it.

And I want this fame.

Ako yata si Jelli Chanrea Quiros! The most beautiful,intelligent and popular in school! *Wink*

Ako lang naman ang nag-iisang popular dit--

Natigilan ako sa tili ng mga grupo ng mga kababaihan. Nandito ako sa corridor sa labas ng room at nakasalubong na naman ang pinagtitilian ng mga babae. Hindi ako nakapasok dahil sa abala ng mga boses nila.

"Ayan na si Sehun! Ang gwapo nya talaga!"

May isa pa palang popular dito. tss

Ang dakilang epal sa buhay ko. Napakaarogante!

Napabaling ako sa taong naglalakad.

Tinignan ko lang siya ng masama.

Si Sehun Ortega. Kwento ko lang, sabi nila si Sehun daw ang lalaking ideal guy ng lahat ng mga babae. For example, may looks daw at matalino.

"Psh. Anong pogi dun?! Eh mukha ngang bakla eh. May pahair dye- hair dye pa ng buhok. Akala mo foreigner." bulong ko.

"Ha? Ano Jelli? May sinasabi ka?"tanong sakin ni Abbie. Yung may pacheck-check pang pinagsasabi about as kagandahan ko. Obvious naman na may gusto kay Sehun.

"Naku wala! Don't mind me." sabay iling ko.

Tumingin nalang ulit ako sa Sehun na yun na naglalakad papunta sa pinto kung saan nauna ako. Nagsialisan na rin ang mga babaeng naghihintay sa pagdating niya at ang mga alipores ko. Magti-time na kasi.

Nung nasa harap ko na sya ay tumigil siya at tinitigan ako. As if namang magu-gwapuhan ako sa kanya. AS IF TALAGA!

"Tabi." malaming na sambit niya. Natigilan ako ng saglit pero agad ding nawala.

Aba!

"Can't you see? May space pa o. Kung pwede ba dun ka nalang dumaan?"sabi ko sa kanya at take note nakangiti pa ko nyan! Pero sa kaloob-looban ng balun-balunan ko nanggagalaiti na ako sa inis at gusto ko na siyang ipatapon sa ibang planeta. 

"Ang laki-laki mong harang jan paano ako makakadaan." panunuya niya. Now he's wearing his smirk. 

Oh diba sabi sa inyo eh! Kumag ang lalaking 'to sa buhay ko! Mapang-asar palagi akala mo siya walang flaws noon---never mind that. Kung bakit ba kasi palagi ko pa ito kaklase!

"Kahit naman malaki akong harang dito kakasya ka parin. Sa payat mong yan hindi ka magkakasya? Uso vitamins just to remind you." Ano ka ngayon! Barado ka. Tumingin lang siya sakin ng masama at pumasok na sa classroom. Oh diba? Kasya sya. Ang payat kasi e. hoho~

Mabuti nalang talaga at hindi naririnig ng mga iilang tao sa paligid ang asaran namin.Nag-ring na ang bell kaya pumasok na rin ako.

At syempre dahil ako nga ay top 2 dito sa room namin. Mahirap man aminin pero oo pangalawa lang ako sa aming room at sa buong year namin. At ang pinakamasakit pa doon ay ang katotohanang ang rank number 1 ay si Sehun Ortega. Ang nakakainis pa ay simula't sa simula na pumasok ako kahit nung elementary ay kaklase ko na sya hanggang ngayon ba namang 4th year ako? Masyado nang nananadya ang tadhana.

Sinasabi pa nga ng iba na destiny daw yun pero ewww yuck! Parang gusto kong masuka kapag naiisip ko na kami. Sehun and me?! A dyosa like me holding his filthy hands, letting him to K.I.S.S me? Whatdahell right?

Nanggagalaiti talaga ako sa lalaking yun. Hindi ko alam kung bakit rank 1 yun sa lahat ng bagay eh. Naaalala ko pa dati nung nasa 1st year palang kami nagkaroon ng surprise quiz tapos natutulog lang siya nun. Tuwang-tuwa pa ako kasi ilang minuto nalang matatapos na ang oras na nakatakda para sa quiz. Kaming lahat tapos na pero siya kakagising palang tapos tinignan niya lang ang oras saglit tumingin sa papel niya at sinagutan ang kanyang test paper at natapos niya agad at tama lahat ang sagot! Ako din naman perfect sa test pero siya ang napuri ng sobra-sobra!

Minsan nga nagdududa na ako kung tao ba sya o alien na galing sa ibang planeta.Kaya di ko maiwasan na mainis sa kanya kahit wala siyang ginagawang masama sakin. Ang lalo pang nakakairita sa kanya ay ang cold niya kung magtrato sa ibang tao.

Kaya talaga ako, pursigidong matalo sya at maging valedictorian hohoho!! *flip hair* kaya ko syang talunin noh! Fighting!

Stuck On You Sehun [Sehun FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon