Huwag kang mangangako, kung ito lang din naman ay Mapapako.

11 3 1
                                        


Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima, Anim, Pito...

Tahimik na nakatitig sa bawat hakabang na ginagawa ko

Puno ng kaba ang dibdib, dahil alam kong magkikita tayo.

Magkikita tayo!


Ilang buwan na nga ba ang nakalipas?

Buwan ba o taon na rin ang lumipas?

Di ko alam kung tanga ako o nagbibingi-bingihan lang ako

At di ko marinig ang sinasabi ng ibang tao,

O baka naman malinaw ang paningin ko, pero sayo lang ako nabubulag ng ganito.

Di ko alam, di ko makita, di ko marinig.

Ngiti na napapalitan na ng hikbi,

Mga mata na tila ba'y dinadaluyan na ng luha.

Bakit?


At muling itinuloy ang paghakbang ko,

Walo, Siyam at Sampu

Ito na ako, at natatanaw kita mula rito sa kinatatayuan ko.

Nakangiti at masayang nakikipagtawanan sa iba habang hawak ang mga kamay niya.

Siya ba? Siya na ba ang babaeng pinapatawa mo?

Ang babaeng pinapangiti mo?

Ang babaeng pinalit mo sa pwesto ko?

Ang babaeng kasama mo habang hinahayaan mo akong mahulog sa patibong mo?

Patibong mo na tila ba kasing taas ng ilang palapag na gusali dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak ko.


Pinipilit kong bigyan ng magandang ngiti ang bawat taong nasasalubong ko,

Di ko namalayan dinala na pala ko ng mga paa ko papalapit sayo.

Natigilan ka,

Bakas ang gulat sa iyong mga mata

"Kamusta?" tanong mo.


Kamusta? G*g* ka ba?

Tingin mo ba okay ako?

Tingin mo ba masaya ako?

Habang nakatitig sa mga kamay mong mahigpit na  nakahawag sa mga kamay niya,

Pinaparamdam sa kanya na kaya mo siyang proteksyunan dahil bakas ang takot sa mga mata niya.

Gusto kitang sampalin! gusto ko siyang kaladkarin at sabunutan ng paulit-ulit,

Nanggigigil ako eh! nagagalit ako! Naiinis ako!

Na tila ba ang saya saya niyo habang ako! habang ako ay nagdurusa ng ganito

Ang unfair naman ng mundo,

Ako na nga itong iniwan at ako pa itong may bakas ng luha sa mga mata ko.

Kulang pa ba?

Di pa ba sapat?

Tinanong kita at nangako ka

Tinanong kita ng deretsahan,

Kaya mo ba? Kasi kung di mo kaya bumitaw ka na. 

"Pangako kaya ko, dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko"

Paksh*t naman oo oh!

Oo! inaamin ko naniwala ako,

Dahil di naman ako magkakaganito kung binalewala ko ang pangako mo.

Pinanghawakan ko ang mga pangako mo at umasa ako!

Umaasa ako na di mo ko kayang saktan dahil takot ka sa daddy ko na kaibigan ng daddy mo.

Oo! May nag-uugnay sa ating dalawa

Kaya di na ako nagtataka kung makikita kita sa salo salo na ito

Dahil invited ang pamilya niyo,

Pero bakit tila yata ang kapal naman ng mukha mo at dinala mo pa siya rito.

Para ano? Para ipakita saakin na ang saya- saya niyo?


Huminga ako ng malalim

Tumingin sayo at sa kanya,

Habang may mga katagang sumasabog na sa aking isipan.

Ilang buwan na yan? tanging salitang lumabas sa bigbig ko

"Magpipitong buwan na"

Pinilit kong ngumiti kahit na alam kong sasabog na ako ng paunti-unti,

Pilit akong tumawa kahit alam ko nang may bakas parin ng lungkot sa aking pagtawa.

"Sorry"


Sorry? Nagsosory ka ba dahil sa ginawa mo o dahil dinala mo pa siya dito?

Dahil imbis na maging masaya ako sa gabing ito bakit tila yata ang lungkot lungkot ko.


Okay na! Tapos na!

Hindi na maibabalik pa.

Masaya ka na, 

At pipilitin ko na ring maging masaya.

Pero sana ang tanging pakiusap ko,

Huwag kang MANGANGAKO, kung ito lang din naman ay MAPAPAKO.


Don't make Promises, if you will not able to Fulfill itDes histoires addictives. Découvre maintenant