"Bite my tongue,bide my time"
▒▒▒▒▒▒▒▒▒▒ ◆◇ Start ◇◆ ▒▒▒▒▒▒▒▒▒
Ilaw na patay-sindi. Lugar na madilim at kahit sinuma'y walang makakakita sa taong ngayo'y naglalakad ng nakangiti.
Bahid ng dugo sa katawan, sa dala-dala niyang pugot na ulo ng kaniyang pinakamatalik na kaibigan.
"Sabi ko kase sa iyo tumahimik ka"
Paulit-ulit niyang sinabe habang patungo sa eskinita na walang mga ilaw , ang tanging liwanag lang ng buwan ang magsisilbing liwanag sa kanya.
Mga yapak niya na rinig ng mga dagang nagtatakbuhan sa kaniyang hinagis na katawan.
Tinitignan niya ang kanyang nasa paligid, hindi man malinaw ay napapansin niyang may paparating na tao.
Agad siyang umalis sa eskinita na para bang walang nangyare, bitbit pa din ang ulo.
Sa bawat yapak niya papunta sa bahay ng kanyang amo ay sinasabayan niya ang buhos ng ulan sa pagluha.
Luhang totoo, walang halong galit o poot. Pilit na sinasabi sa sarili na magiging ayos ang lahat...
Kahit huli na.
' napag-utusan lang ako Sean, sorry bro sorry. Sorry sorry sorry sorry sorry sorry sorry'
Paulit-ulit niyang sinasabe hanggang sa makarating siya sa bahay ng nag-utos sa kanya.
Pinagpag niya ang kanyang suot, at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Agad na bumungad sa kanya ang taong nag-utos ng mga bagay na kailanman ay hindi niya ginusto.
"Very good Jack! Sabi na nga ba hindi ka papalpak, ang galing.
Hmm. Ang ganda niya pa ring pagmasdan kahit ulo na lang si honeybunch"
Sabi niya habang nakatingin ang binata sa ibang direksyon at pinipigilan ang kanyang luha na pumatak.
Kasalukuyang nilalaro ng kanyang amo ang ulo ng kaibigan niyang si Sean.
Umupo siya sa isang sofa at tinanggal ang kanyang sapatos na puno ng dugo.
Hinagis din niya ang kutsilyong puno ng dugo.
Sumandal ang binata sa sofa at pumikit.
"Ana"
Sambit ng binata habang nilalagay ng dilag ang kanyang bagong koleksyon sa isang kabinet na puno rin ng pugot na ulo
"Hmm?"
"Hindi ka ba naawa sa mga pinapatay mo sa akin?"
Napatigil ng bahagya ang dilag at napalingon sa binatang nakaupo sa sofa.
"Why should I? Naawa ba sila nung hiniwalayan nila ako? Di ba hindi? Kulang pa nga ito sa mga binigay nilang sakit --"
YOU ARE READING
Wrong Move #Wattys2019
HorrorLittle girl, little girl what did you do? I want to stop this, but you forced me to. Little girl,little girl Better hide fast, I can here your heavy breathes, Don't you remember the past?
