2 years later...
August 31,2016 10:10 am
LRT Station
Nandito ako ngayon sa LRT Station at kasalukuyang bumibili ng ticket. Papunta kasi ako ngayon sa Tita Flor ko para ibigay ang regalo ni Mama para sa kanya. Ikinasal kasi si Tita Flor last three weeks na at hindi naka-attend si Mama. Nahihiya naman daw si Mama kaya pinaabot na lang itong regalo para sa kanya. Kaya naman napag-utusan ako ni Mama na ibigay ang regalo para kay Tita Flor dahil busy siya ngayon. Pumayag naman ako dahil libre ako sa araw na iyon at gusto ko ding maggala ngayon.
Nakuha ko na ang ticket at pumuwesto na sa yellow line. Huminto ang tren at bumukas. Papasok na sana ako kaso biglang may humarang sa akin na matabang babae. Kaya nag-give way na ako para sa kanya pero ang nangyare may iba pang tao na humarang sa akin. Ang resulta, nagsara na ang tren.
Sa susunod na lang na tren ako sa sasakay but this time, sisiguraduhin ko nang makakapasok ako sa loob. Naghintay ako ng kasunod na tren kahit na masakit na ang paa at binti ko. At sa wakas, may tren ng paparating! Hindi pa humhinto ang tren ay ready na ako kaagad para pumasok. Saktong huminto at bumukas ang tren sa harapan ko kaya madali lang akong nakapasok sa loob. Naghanap ako ng bakanteng upuan pero wala na kaya pumuwesto na lang ako sa kabilang side ng tren at humawak sa bakal na nakita ko. Huminto ang tren sa next station at medyo sumikip na sa loob. Hanggang sa padagdag ng padagdag ang taong pumapasok sa loob lalong sumikip ito. Para kaming mga sardinas sa loob ng lata! Kung kanina ramdam ko ang lamig,ngayon mainit na.
Puwede bang huwag nang dagdagan pa ang tao dito? Huwag na silang pumasok parang awa na nila! Sana pala nag-taxi na lang ako.Haay! Kailangan kasi magtipid eh. Naman!
Natigil ang pag-iisip ko ng may nagsalita mula sa likuran ko.
"Miss,umusog ka nang kaunti masikip na dito sa pwesto ko."
"Wala na pong maiuusog dito,kuya."
Sabi ko sa kanya na di humaharap dahil nakatalikod ako sa kanya.
"Meron pa 'yan. Umusog ka nalang kaya para matapos na."
Bakit ba ang kulit niya? Wala na ngang space pinipilit pa! Bahala ka diyan!
Dinedma ko lang siya at nag-tengang kawali kaso naiirita na talaga ako sa paulit-ulit niyang sinasabi.Kaya sa inis ko hinarap ko na siya. Imbes na mainis ay nagulat ako dahil ang lalaking kinaiinisan ko ngayon at ang lalaking kinaiinisan ko sa panaginip ko noon ay iisa.
"Daemon?"
"Ha?"
"Wala!"
"Miss,naman umusog ka na nga. Pinahihirapan mo pa ako eh."
"Sa wala na ngang maiuusog pa ang kulit mo din ano?"
"Ayan oh! Meron pa! Sabihin mong wala eh meron nga."
Tinuro niya pa 'yung sinasabi niya para maniwala ako.Magsasalita pa sana ako pero nahiya na ako dahil totoo pala na may space pa hindi ko lang nakita. Biglang huminto ang tren, dahil duon na out of balance siya at nadaganan niya ako sa gilid. Ang resulta, magkaharap kami at ako nakasandal sa gilid na tren. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa parang hindi ako makahinga. Ilang inch na lang ang pagitan namin at magkakadikit na ang katawan namin. Tatalikod na sana siya pero hindi niya nagawa dahil huminto ang tren at may mga pumasok pang tao sa loob. Dahilan para lalong sumikip at magkadikit ang katawan namin.
Uminit ang mukha ko dahil sa pamumula ng pisngi ko.Lalo na kapag humihinga siya hindi ko maiwasan na kabahan at mapalunok. Ang bilis ng tibok ng puso ko, di ko alam kung bakit. Tinignan niya ako at lalong nakadagdag ito sa pagbilis nang tibok ng puso ko. Mukhang may Heart attack na ako!
YOU ARE READING
One Time
RomancePaano kung may pagkakataon kang balikan ang nakaraan? At may pagkakataon ka ding malaman ang hinaharap? Saang panahon ang gusto mong puntahan? Sa PAST o sa FUTURE? Ang PAST na gusto mong balikan o ang FUTURE na di mo alam? *July 22,2014*
