Introduction

23K 282 6
                                        

Copyright 2018 by ZdnElle

This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Taming The Beast contains scenes of graphic violence, drugs and some scenes of a sexual nature and is not recommended for younger readers.

Rough draft and subject to revision once done. (or kung may time)
----------
"Anak! Anak gising!" Nabulabog ako ng gisingin ako ni Papa

"Pa bakit?" Hinila niya ako sa higaan at tinago sa loob ng aparador ko

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang lalabas diyan naiintindihan mo?"

"Ano po bang nangyayari papa?" Takang tanong ko

"Basta! Hindi ka lalabas diyan! Sagot!"

"Opo!"

"Tandaan mo mahal na mahal kita ha?" nanginginig at umiiyak na sabi ni papa

"Papa, mahal na mahal din po kita" niyakap ko si papa at ganun din siya sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at sinara ang aparador

At dahil may butas ang aparador nakikita ko ang labas

Tumayo si papa at akmang lalabas ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko

"B-boss"

"You lied to me"

"S-sorry boss tinakot kasi nila ako"

"Sa kanila natakot ka, sa akin hindi?!"

"H-hindi naman sa ganon p-pero—-"

"I don't need to hear your excuses" saad ng lalaking tinatawag na boss ni papa at tinutukan niya ng baril sa noo si papa at agad bumulagta si papa

"papa" mahinang iyak ko.

"Akala ko may anak pa to?"

"Oo nga po boss kaso wala po ata dito"

"Tara na" Unang lumabas yung lalaking tinatawag nilang boss at sumunod yung anim na lalaki sa likuran niya.

Pinipigilan ko naman ang paghikbi ko at nang marinig kong pinaandar na nila ang makina ng kotse at umalis

Tsaka ako lumabas ng aparador at lumapit kay papa

"Papa!!!" Niyakap ko ang bangkay ni papa habang umiiyak

Agad akong tumayo at tumawag ng pulis at ambulansya.

Nanginig pa ako habang nagsasalita pero naintindihan naman nila at agad daw silang pupunta.

Ilang minuto lang ay agad dumating ang ambulansya

"Dead on the spot na to ah?" Sabi ng lalaking na sa rescue team

Sinakay nila si papa sa stretcher at inakyat sa loob

"Susunod po ako kakausapin ko lang po yung mga pulis" tumango naman sila at umalis na

Patuloy pa din ako sa pag-iyak at panginig ng katawan.

Hindi ko akalaing ngayong gabi ay ang huling pagkikita namin ni papa

Nasa sala ako habang hinihintay ang pulis.

Dumating naman sila makaraan ng ilang minuto.

"Wala na po yung bangkay na kuha na ng ambulansya. Pero sir nakita ko po ang buong pangyayari may pumunta ditong pitong lalaki at boss ang tawag nila sa isang lalaki, may pinaguusapan sila ni papa at may nagawa ata si papa sa kanila tapos bigla na lang nila itong binaril. Sir gusto ko pong makamit ang hustisya sa papa ko" bagamat umiiyak ako naikwento ko naman ng malinaw sa mga pulis ang buong pangyayari

"Naku miss mukhang malaking sindikato yang kalaban ng papa mo ah? Kung ako sayo ipag-pa sa Diyos mo na lang yan, wala kang laban don"

Napatigil ako sa pag iyak at napayukom ang kamao.

"PULIS KAYO TAPOS GANIYAN KAYO MAG-SALITA? Kung kayo natatakot kayong banggain ang sindikatong yon! Ako hindi! Umalis nalang po kayo sir kung wala kayong maitutulong"

"Pinapaalalahan ka lang namin miss madami ng lumapit sa amin, ilang beses namin tinangkang pabagsakin ang sindikatong yan kaso walang may kaya, kahit batas napapabagsak ng sindikatong yan, maski siguro nga diyos takot sa kanila eh"

"Umalis nalang po kayo sir"

Umiling-iling sila at agad sumakay sa sasakyan nila. Kinuha ko ang gamit ko at sumakay ng din kotse para magtungo sa hospital

Pagkadating ko doon agad akong nagtanong sa nurse at pinapunta niya ako sa morgue

Pagpunta ko doon ay nasa metal na stretcher si papa at nakatakip ang buong katawan maliban sa mukha

Niyakap ko si papa at umiyak

"Sorry papa, sorry"

Kung hindi ako kayang tulungan ng pulis, gagawa ako ng paraan.

Gagawa ako ng paraan para makamit ang hustisya sa pagkamatay mo papa

Hindi ko hahayaang magpakasaya ang pumatay sayo habang ako nagluluksa.

Papatayin ko siya.

Papatayin ko siya para sayo papa.

Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon